umbilical cord
mga mamii, normal po bato? kinakabahan kasi ako 🥺 baka mapano pusod ni baby. thankyou.
ganyan din nangyare sa baby ko before tapos iyak sya ng iyak siguro dahil ata iniinda nya yung sakit pati ako taranta na di ko alam kung pano ko sya patahanin but pinag pray ko nalang talaga na sana matanggal na para di na mahirapan baby ko sa sakit ayun buti pinakinggan ni god yung panalangin ko kase pati ako maiyak iyak na first time mom pa naman ako wala pa ako experience sa paghawak ng baby at pagalaga
Đọc thêmGanyan din po sa baby ko natakot po ako nun, pero sabi sakin pag gnyan matatangal n dw yan pag daw hilain or pilit tanggalin kc prang may maliit n sinulid dyan eh kusa dw yan matatanggal, alcohol lng po lagay mo kusa din yan mttngl
hala mamii please pa check na sa center yan or pedia po isa sa mahala ay ang pusod po kadugtobng sa buhay natin yan.. makikita po kase nna nagnana or ungsa pinaka dulo ng pusod niya eh.. kaya pachck niyo na mamsh
Hi po. Bat hindi po tinangal ang cord clamp niya po before discharge? Patangal niyo po. Mabigat po yan sa cord nila kaya gnyan. Pa check mo nadin sa pedia niya.
kapag lilinisin niyo po ng bulak ang pusod make sure na wag niyo pabalik balikin yung bulak sa pusod, isang stroke lang dapat tapos change ulit ng bulak.
ganyan po baby ko noon sabi ng matanda n kapit bahay namni dampihan ko lng ng betadine the every morning paarawan c baby ayun nag dry naman po agad
if I'm in your shoes papatignan ko n lng sis. Khit sa center lng. pero continue mo lng Yung pag aalcohol sa pusod ska wag iipit sa diaper para ma airdry
mommy ingatan nyo nalang po wag madumihan baka po ma infection.. tsaka hindi po normal na matatangal ung pusod nya na hindi tuyo..
Ipa check up nyo na lang po mommy. Kase di pa sya tuyo pero natanggal na agad. Pedia po mas nakaka alam ng dapat gawin dyan.
pacheck nyo na po yan momsh para maagapan at malinisan po ng maayos dapat tanggalin na po yung clamp nyan .
Nurturer of 1 troublemaking son