Stressed sa finances

Mga kamomshie ask ko lang ano maganda gawin. Kasama kasi namin sa bahay nga hipag ko (yung isa dalaga and yung isa kakahiwalay lang sa LIP nya). Parehas silang may work. Parehas din kami ng asawa ko na may work. Yung byenan ko na babae ang nagbabantay sa mga bata pag wala kami. Noon ok lang sa amin na sa amin lahat ng gastos since byenan q lang naman tska yung pamangkin ng asawa ko na high school. Pero ngayon ang dami namin, and sa amin parin ang expenses. Yung isang hipag q na kakahiwalay lang nagbibigay naman daw. Sa byenan ko nga lang, so hindi ko rin sure ano binibili sa pera. Yung isang dalaga sarili lang ata nya ang problema nya.. kahit sa kuryente di makapag-share. Kesyo daw lagi silang walang pasok.. Problema ko pa ba un??? We are not asking for thousands from them.. kahit kaunting tulong lang sa expenses will be greatly appreciated. Di ko sure kung nagbibigay sa byenan q tapos pinepera nya.. Binibigyan din naman namin sya ng allowance ehh.. Help naman po.. Nagsasawa na po ako sa sitwasyon namin kasi feeling ko hinihila nila kami pababa.. Pag nakikita nilang meron kami inaasa lahat sa amin.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kung hindi madaan sa magandang usapan, much better bumukod na kayo. Priority nyo ang binuo nyong pamilya... Mahirap talaga yang ganyan momsh.

5y trước

Nag-iipon lang po kami.. Pag makaipon ng sapat aalis kami dito sa bahay tska namin ibebenta.. Sa asawa ko kasi pinamana itong bahay. Para daw di na pag-awayan if ever wala na kami dito.

Kausapin mo partner mo sis