Bakuna ni baby
MGA KAILANGANG BAKUNA NI BABY (Primary Vaccines available at Health Centers*): 1. BCG VACCINE - Proteksyon laban sa Tubercolosis (TB) - Ibinibigay pagkapanganak 2. HEPATITIS B - Proteksyon laban sa Hepa B - Ibinibigay pagkapanganak 3. PENTAVALENT VACCINE - Proteksyon laban sa Diptheria, Pertussis, Tetanus, Influenza B, at Hepatitis B - Ibinibigay kapag 6, 10, 14 weeks pagkapanganak 4. ORAL POLIO VACCINE - Proteksyon laban sa Polio - Ibinibigay kapag 6, 10, 14 weeks pagkapanganak 5. INACTIVATED POLIO VACCINE - Proteksyon laban sa Polio - Ibinibigay kapag 14 weeks pagkapanganak 6. PCV VACCINE - Proteksyon laban sa Pulmonya at Meningitis - Ibinibigay kapag 6, 10, 14 weeks pagkapanganak 7. MMR VACCINE - Proteksyon laban sa Tigdas at Beke - Ibinibigay kapag 9 months at 1 year pagkapanganak Please be informed na ang bakuna ay magsisilbing proteksyon ng ating mga anak sa sakit lalo't higit kapag mayroong outbreak. Maliban sa pagpapabakuna, makakatulong ng malaki ang pagpapasuso o breastfeeding dahil sa antibodies na pumoprotekta sa bata. Magtanong sa health centers kung available ang lahat ng bakunang ito. Kung mayroong bakuna na wala sa center, pumunta sa pedia. Kung wala pang 9 months ang bata at mayroong measles outbreak, magtanong sa health center o sa pedia tungkol sa Immunoglobulin Treatment at kung paano ito nireregister o isinasagawa o kung pwede na ito sa mga bata. Makabubuti ring mag research tungkol sa pros and cons ng bakuna pati na rin ang possible side effects. Mayroong vaccine inserts ang mga bakuna. Kung nanaisin ninyo, pwede kayong mag request para mabasa ninyo. Salamat mommies. ? Written by: Breastfeeding Mommy Blogger DISCLAIMER: Ang bakuna ay proteksyon nating lahat laban sa mga sakit. Nagiging outbreak ang isang sakit lalo na kapag marami ang hindi nagpapabakuna. Hindi ibig sabihin na nabakunahan na ay 100% na ligtas na. Ibayong pag-iingat pa rin ang kailangan. YOUR CHILD, YOUR RULES. Depende po sa inyo kung naniniwala kayo sa bakuna o hindi. ? *Mayroon pang ibang bakuna na inirerekomenda ang private doctors maliban sa mga vaccines na nabanggit *Hindi available ang PCV vaccine sa ibang lugar kaya sa private doctors ito pinapagawa SOURCE: College of Health Sciences - Laguna https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2024584480906218&id=140730919291593


