Hello. Medyo kulang po sa info questions mo, like age ni baby, EBF ba or Formula or eating solids na, kaya share ko na lang experience namin. My daughter was EBF, nung nag 2-3 months old siya hindi na siya everyday magpoops. Pinacheck-up namin sa Pedia, sabi ng Pedia normal sa EBF ang hindi magpoop everyday, meron pa umaabot 2weeks walang poop. Sa baby ko 6-7 days pinakamatagal walang poop. Nung nagstart na siya mag solids BLW siya, doon ko na talaga nakikita ko na nahihirapan siya mag poop. Todo ere at namumula na siya, so consult Pedia ulit kami. Sinabihan kami na increase water intake at last resort yung reseta niya na suppository. Bumili kami ng suppository just in case, pero mas nag focus kami sa pagpapainom sakaniya ng water, kaya ending hindi rin namin nagamit ang suppository until now 2 years old na siya. Kung 6 months below at milk pa lang si baby, more likely undergoing na siya sa adjustment sa frequency ng pagpoop niya. Kung 6 months up and eating solids, increase water intake lang. If in doubt parin, ALWAYS CONSULT PEDIA po.
Millennial Ina