Ilang Weeks Bago Manganak Ang Isang Buntis? And ano po ang sign na malapit na manganak?

Hi, mga mommy.. ilang weeks ang dapat bago manganak.. first time mom po, I'm 35 weeks pregnant and I have no idea kung ano pong sign na malapit na manganak

54 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Narito ang ilang mga kaalaman upang malaman kung ilang weeks nga ba bago manganak ang isang buntis. Ang normal na pagbubuntis ng isang babae ay maaring tumagal mula 37 na linggo hanggang 42 na linggo na kung saan mayroon pang limang linggo kapag ang isang sanggol ay maari ng dumating sa anumang oras ito ay itinuturing na normal na panganganak. Halimbawa, kung ikaw ay nanganak bago ang 37 na linggo ng pag bubuntis, ang iyong sanggol ay tinutukoy na premature at ito ay nangangailangan ng karagdagang pangangalaga. Karaniwang tumatagal ang isang pagbubuntis ng mas mahaba kaysa sa 42 na linggo ito ay tinatawag overdue at maaring magdala ng isang mataas na panganib o komplikasyon sa sanggol o sa nagsilang. Kahit na ang lahat ng mga buntis na kababaihan ay binibigyan ng takdang araw o tinatayang petsa ng panganganak, mula sa 1-10, 9 na sanggol ang tinatayang ipinanganganak sa kanilang eksaktong petsa ng pagsilang. Karamihan sa mga sanggol ay pinapanganak sa pagitan ng 37 linggo at 41 linggo ng pagbubuntis, kadalasan sa loob ng isang linggo sa pagitan ng kanilang takdang petsa ng pagsilang. Ang kambal (twins) at lalo na ang mga triplets at mas malamang na ipinanganak na wala sa panahon. Ang takdang petsa na ibinigay sa iyong dating pag ultrasound ay mas tama kaysa sa pagbilang ng iyong huling buwanang dalaw upang kalkulahin ito. Ang araw ng obulasyon (ovulation) sa regla (menstrual cycle) ay maaaring mag-iba, depende sa tagal ng kanilang regla, habang ang isang pag ultrasound o pag ii-scan ay maaaring matukoy ang eksaktong linggo at araw ng pagbubuntis batay sa laki ng embrayo (embryo). Maaaring maimpluwensiyahan ang iyong pinagbubuntis kung gaano na sya katagal sa iyong tiyan simula ng sya ay ipunla, malalaman ito kapag ang isang babae ay naglihi. Ang fertilized na itlog na mas matagal sa implant ay may posibilidad na magkaroon ng mas mahabang pagbubuntis mula sa pagpupunla hanggang sa kapanganakan.

Đọc thêm

Ang pag kakaroon ng isang anak ay isang di matatawarang kaligayahan ng isang ina. Ang pag bubuntis ng isang babae ay hindi biro-biro, kung saan dinadala nya ang isang sanggol ng mahigit na 9 na buwan o kalimitang umaabot ng ilang linggo pa bago ito maisilang. Karaniwang unang binibilang ng isang nag bubuntis ay ang huling araw ng kanyang regla o mas kilala sa tawag na menstrual period, kung saan dalawang linggo bago nangyari ang aktuwal na pag tatalik. Ang pagsilang sa isang sanggol ay nangyayari sa loob ng 40 linggo matapos mangyari ang huling buwanang dalaw. Ngunit, may ilan sa mga kababaihan ang hindi nakakaranas ng matinding problema sa pag bubuntis, at mayroon namang iilan na hindi lang nakakaranas ng hindi pang karaniwang pakiramdam habang sila ay nagdadalang tao. Ngunit, ang tanong, ilang weeks nga ba bago manganak ang isang buntis? Basahin ang artikulong ito upang malaman kung gaano katagal bago maisilang ang isang malusog na sanggol.

Đọc thêm

37 weeks po ang full term. Pero as advice nga po ni OB, wag madaliin ang manganak. Lalabas po si baby kung kelan feel nyang lumabas hehe gawin lang daw po yung mga ways para mapadali ang labor pero wag magpapakastress na ilabas si baby. Sign of manganganak po is different depends sa katawan ni mommy. Pwedeng pumutok ang panubigan, or pwedeng may lumabas na jelly na dugo (mucus plug), or contraction with interval. Sana makahelp po. ☺️

Đọc thêm
Influencer của TAP

9 signs na malapit nang manganak ang buntis Isa sa mga sign na malapit na manganak ay kapag pagtuntong ng isa hanggang apat na linggo bago ang iyong due date, nagsisimula nang bumaba si baby sa direksyong ... https://ph.theasianparent.com/sign-na-malapit-na-manganak

39weeks and 6days na po Ako.. natigas tigas na rin ang Tiyan ko Sa bandang puson. Yung pakiramdam na sumisikip sya parang rereglahin. parang ngalay na ang balakang.. anytime po siguro pwede na lumabas si bby.. may12 po ang due date ko Sa regla. at may21 naman Sa ultrasound

Đọc thêm
Influencer của TAP

Ilang Cm Bago Manganak Ang Buntis: 4 Na Yugto Ng Labor Karaniwang inaabot ng 6 hanggang 18 oras ang labor. May mga di-karaniwan na isang ire lang ay lumalabas na ang bata at inaabot lang ng wala pang tatlong oras. https://ph.theasianparent.com/ilang-cm-bago-manganak

ah ok po ung sa 37 weeks po ba normal. delivery din cya.. nung ng pa check up. kc ako last week my nksbay aq 36weeks.plng nanganak n cya pero CS cya need. paba incuvator ang baby pag 36weeks.lng

6mo trước

depende sa baby yung panganay ko 36 weeks ko pinanganak hindi naman na nag incubator

Thành viên VIP

37 weeks full term na si baby pero base sa naexperience ng friend ko kasi nanganak sya ng 37w6d pero sabi ng doktor dapat daw atleast 38 weeks and up.

usually po sa 38 weeks po ang pang ilang weeks bago manganak ang buntis...or 39 weeks pag first time mom base sa experience ko at ng mga kakilala kong mommies

GOodpm po ma'am pwde magtanong ilan week na po malapit mag 9months gawa oh Ksi akO po mag9months plng po sa ito June 25 2024 tanOng lng pOe mga mommy