13 Các câu trả lời
hi masakit naman talaga Sabihan ng Abnormal . baka kamo siya abnoy bwisit kamag anak ganyan magsalita.. anyway wala naman talaga magulang na gugustuhin may problema sa anak at wala din tayo paki sa sasabihin ng iba .. masyado maiksi ang buhay para Pag tuunan natin ng pansin ang sasabihin ng iba.. masakit po para sa Ausome parent ang makarinig po ng ganyan Pero di naman namin mapipilit ang iba na tanggapin ang anak namin Special.. eto din ang dahilan kung bakit nung una pinipilit ko itago ang panganay ko nonverbal and diagnosed with autism.. gwapo ng anak ko wala maipintas di sa pagmamayabang pwede siya as model kid o artista yan pa naman pangarap ko sakanya kasi pang artista talaga itsura niya mi.. Yun kasi maipagmamalaki ko talaga physically gwapo siya at tall kid.. at nasasaktan ako bilang nanay Pag may naririnig ako "Gwapo Sana kaya Lang" kahit mga relatives ko halos itago ko siya.. Pero wala e nakita pa rin nila may something kasi never nakipag usap sakanila anak ko.. at Buti nalang din very supportive nila nagsisi ako ngayon tagal ko siya tinago.. Sana pala dati ko pa siya pinakita sa iba kasi nalaman ko mahal nila anak ko. ngayon may baby ako ulit 13mos old na Gwapo baby Pero ngayon naman very bibo ng anak ko nakapag salita agad siya before 1year old ngayon alam niya tawag sa amin at nag aanimal sounds na din .. may pag asa na kami balang araw Pag nawala na kami may habang buhay na magmamahal ng totoo sa special kuya niya... anyway naichika ko lang naman sayo mommy.. since ikaw nakakaalam sa baby mo kung alam mo wala naman siya iba kinikilos bukod sa speech delay lang... iwasan mo na agad sa mga gadgets.. kayo dapat lang ang naririnig niya... ganyan ginawa ko dito Kay bunso... akalain mo mommy nagawa ko din buong 13mos wala din ako pinapanuod na TV at cellphone naman patago lang ako nag CCP never siya tumingin dito maliban nalang kung magsiselfie.. Pero Yun Sabi nila na ipacheckup mo mas mainam kung sa DevPed wala naman mawawala paconsult.. Anu naman yung 5k plus above sa consultation magiging kampante ka naman..
mommy try niyo i-enroll sa play group yung anak niyo to build social relationships sa ka age niya, wag niyo po i-indulge sa gadget, try niyo din po mag story time, communicate po palagi, kausapin palagi, and encourage your baby to talk. Wag niyo po i-baby talk, baka hindi delayed ang speech, baka ayaw lang talaga magsalita may mga ganun kasing mga bata yung akala natin delayed, pero ayaw lang talaga magsalita. Try nyo din ng music for toddler, then ilabas sa park or allow your baby to play sa crowd po. Hindi po abnormal ang mga speech delayed children, at against the law po pag tinatawag na abnormal.. Talk to your husband, at i-express mo nararamdaman mo towards sa side niya, your husband should listen to your sentiments kasi masakit talaga kapag nakakarinig ng ganun, it will also affect you as a mother na baka feeling mo inadequate ka or may mali sa pag-aalaga, wag po kayong mag gadget sa harap ng bata. Communication lang talaga makakatulong sa anak niyo para magsalita, play with your child then po, search po kayo ng mga activities na mag encourage sa kanya to talk marami po sa google, or 5 mins screentime with Ms Rachel may mga activities sya for speech delay kids. At higit sa lahat, tulungan ang sarili na hindi maapektohan sa mga sabi2 dahil kapag affected masyado, baka ibunton mo sa anak mo yung frustrations mo. Kaya as much as possible po try to ignore their comments, or kapag minamarites sa ibang tao.
speech delay yan mommy. panganay ko ganyan, walang kalaro walang kausap na kaedad nya. then russian ang napapanood, so na adopt nya pati accent. akala nila nga pipe at hindi nagsasalita, kaya yung iba nagsign language sa kanya. pero, noong dumating ang 2nd child namin. ayun nakakapagsalita na sya kahit paano. maynmga words din na di mo maintindihan. mas gusto nya pa magisa sya kahit ngayon na 8 yrs old na sya, nagiisa lang sya sa higaan nya. pag nasa mood nakikipag laro naman sa mga kapatid nya. ngayon, eto nosebleed na ako kasi english ang salita. kapag english kasi mas naiintindihan nya ako kapag tagalog hindi gaano kaya minsan pag di na keri ng utak ko taglish na. hahahaha. try to expose your child with other children, para makapag adjust din sya at makapagbigkas pa sya ng maraming words. pero wag nyo po pilitin kung ayaw. pwede sa mga play school ienroll nyo po sya or saan ang hilig nya like arts ganyan para naeexpose din po sya sa ibang environment at tao. hayaan mo na ang mga marites na yan, mastress ka lang po.
Yung anak ko sya lang din bata sa bahay. madalang lang din lumabas para makihalubilo sa ibang mga bata. nanonood din sya ng tv pag may ginagawa ako sa bahay pero ok naman Ang speech nya. mahilig magkwento, magtanong at kumanta. kinakausap namin parati at kinukwentuhan. kahit habang nanonood ng tv kinukwentuhan parin Kung ano Yung nangyayari sa pinapanood na cartoons. pero limit lang sa panonood. kausapin nyo lang po sya ng kausapin. kwentuhan nyo sya ng ginagawa nyo or kahit tungkol sa mga Puno halaman ibon butiki gagamba na makikita nya sa paligid ng bahay. wag nyong e baby talk Kasi di tlga yan makakapagsalita ng maayos. dapat may mga physical activities din sya pwede rin magbasa ng books para dumami vocabulary nya tapos less screentime po.
hello mother just to inspire u, Meron along kapit Bahay na 4 and 5 years old, tueing kinakausap ko mga pangalaan lang nila sinasabi nila kahit iBang bagay Ang tinatanong ko. same silanng situation sa baby mo Wala maxadong kalaro kundi sila lang magkapatid. nung nag summer umuwi sila sa probinsya nila , abay pagbalik dito Kay galing na mag salita. kaya wag Kang mag alala Kay baby mo, matuto din Yan Lalo na alam mo na nakakaintindi Naman xa pag inuutusan mo. go go go mommy expose mo lang SI baby mo sa iBang bata.
Hi mommy. Sabi ng nanay ko, akala nya ay pipi ako dahil nung 3yo ako, hindi pa ko nakakapagsalita ng words "ah ah, eh eh" lang 😅 At 5yo, may words na pero walang letter "s"... Lumaki ako with a lisp pero it didn't affect my social or academic/ professional life 😁 introvert din ako so medyo nakadagdag sa katahimikan ko ☺️Mas nakakadamage ng self-esteem ang mga toxic na tao. 😅
same po sa baby ko pero ung ko is 2years & 7 months old palang cya lagi cnasabihan ng brother ng asawa ko na kesyo d pa daw nakakapag salita baka daw maunahan pa ng bunso ko mag salita .madami namn na suya words na alam pero bulol masakit po sa side ko bilang mommy niya minsan parang gusto ko sagutin pero nag titimpi nalng ako😔😔
baka madalas nyo syang pinapapanood ng tv or sa gadgets. nakaka speech delay ang mga ganun. less screen time at more on talk time sa baby.. pwede nyo rin syang igala sa may mga bata. di teason yung magisa lang syang bata s abahay kasi ganun naman taalaga common scenario pag isa pa lang anak..
Meron talaga delayed makapagsalita pero pag nagsalita na, ibabawi niya masyado na madaldal. Tama, kailangan maexpose sa ibang bata tapos kausapin lang siya. Tapos pagkwentuhin mo siya kung ano ginagawa niya. Yung hindi oo o hindi lang. Hindi tama ang pagsabi ng abnormal sa kapwa.
Same sa pinsan ko mies nung 3 years old siya hindi rin makapag salita late speech din siya pero ngayong 5 years old na siya medjo naintindihan na namin. Always teach your baby how to talk mies like mama and papa and kausapin mo siya always para ma adapt niya and matoto po siya.
Kirstine