Bakit madalas ang pagsuka ni baby ng gatas after feeding?
Hi mga ka-mommies. First time mom here po. Nangangailangan lang po ng tulong. Si baby ko kasi sinusuka ng madalas ang milk nya after feeding. Pinapa burp ko naman po sya everytime magfeed. Some says na overfeed ko raw po. Pano naman po malalaman na enough na yung nabigay mo? Hindi ko naman naiwasan dahil sa iiyak siya kung di sya nabusog. Nagaalala ako. Baka magkaroon ng mas di magandang feedback ang pagsusuka nya. Note: hindi naman ganun karami ang sinusuka nya. I mean marami siya pero di naman katumbas ng ininom nya.