ANONG DAPAT KONG GAWIN? 😔
Hi mga ka mamshy! Ako lang ba yung may ganitong pakiramdam. Hindi ko na matandaan kung kailan nagsimula toh pero bigla ko nalang naramdaman. Ganito kasi.. Before nakabukod kami tapos kami lang ng anak ko palagi naiiwan. Okay lang sakin naeenjoy ko naman yung mga sandaling yun kasama anak ko.. Naaalagaan ko siya. Pero ngayon nandito kami sa side ko.. Parang tinamad or tinatamad ako. Parang ayaw ko na alagaan anak ko. 😔 May kinausap akong friend tungkol dito kaso ang sabi niya sakin, "Dapat dika nagpabuntis kung ayaw mo palang mag alaga at dikapa pala handa tsaka natural na mapagod ka dahil makulit at pasaway anak mo." Pero hindi naman kasi sa ganon.. Naging ganito lang feeling ko kasi yung partner ko pag nagbabantay ng bata, ang bilis niya uminit ulo sa bata lalo pag nagtatapon or naghahagis ng laruan o kung ano.. Minsan naman babantayan nga niya pero matutulog siya tapos papanoorin niya ng cellphone yung bata. Diko na alam ggawin ko. 😔