Sustento sa in-laws
Mga co-mommies, madamot ba ko kung sasabihin ko kay hubby na wag na muna kami mag sustento sa parents niya? Lubog pa rin kasi kami sa utang at I'm about to take my mat leave which is according sa company namin, no work, no pay lalo na't wala pa ko 1 year nung natanggap. Hindi rin umabot hulog ko sa sss to qualify kaya gusto ko sana magtipid kami pero hindi namin magawa. Nung nalaman niya na may ipon ako para sa panganganak, nagalaw naman dahil nga sa in-laws ko. Ngayon, narinig niya may parating akong allowances which is ayoko sana galawin para dagdag funds during my mat leave, gusto nya ipadala naman sa parents nya. Sobrang sama ng loob ko kasi hindi niya naisip na hindi naman sana kami malulubog sa utang kung hindi dahil sa parents niya (Long story). Nito lng sabi niya sakin kawawa daw kasi wala daw kami sinusustento. Sakin lang, may mga kapatid naman siya para umalalay muna habang di pa kami nakakaluwag. Ayoko na maulit yung nangyari nung nanganak ako kay eldest na lahat ng matben ko from sss sa in-laws ko lang napunta kasi di sila sinustentuhan ng mga kapatid ni hubby kaya kami ng anak ko nag-sacrifice. Di ko rin alam pano sasabihin kay hubby to dahil siguradong pag-aawayan namin. #advicepls #pleasehelp #pregnancy