Feeling pagod

Hi mga co mommies ko.Im 26 years old may 2 kids 1 toddler at isang mag 2 months na baby.Lately kasi napapansin ko na parang minsan wala akong ganang alagaan si baby pag umaga kami lang tatlo naiiwan pag umaga naaalagaan ko naman pero pag dumadating na si partner andun na ung feeling ko na tinatamad na ako kargahin at ihele si baby lalo na pag umiiyak sya ayaw tumahan naiinis na ako hahayaan ko sya mag iiyak dyan hanggang sa kakargahin na sya ng papa nya 😪.Alam ko naman na ngayon lang to lalo na baby pa sya kaso bakit ganito nararamdaman ko 😭 sa panganay ko hindi naman ako ganito dati.Iniisip ko na lang kasi hindi ako hirap sa panganay ko dati kasi sya padedein mo lang tapos tulog na agad hindi rin mahilig magpabuhat ganun eh ngayon si baby lagi gusto pag nakatulog na kakahele biglang gigising pag binaba sa kama tulad ngayon nasa dibdib ko sya...Kaming tatlo lang pala naiiwan pag pumapasok si partner wala din ako ibang maaasahan...#advicepls

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hindi ka feeling pagod mommy, pagod talaga. Ito talaga role natin as a mother, 24/7 ang pag aalaga natin sa mga anak natin. Keep up the good work, mommy!

Kailangan mo rin ng break mommy. It's a must. Kasi kung papabayaan mo rin 'yan, maaapektuhan lang ikaw at si baby. Kaya rest ka kahit ilang araw lang.