Resistensya

Hello. Meron po bang same case ng sa akin? 😞 Nung di pa po ako nag kakaanak, sobrang taas po ng resistensya ko tipong lahat na nagkasakit sa bahay ako lang hindi. Malakas loob ko maglakad kahit umaambon kasi confident akong hindi ako sisipunin. Pero simula po nung nanganak ako kay baby, lagi na po ako nagkakasakit (though feel ko pabor naman dahil si baby hindi sakitin, napasa yata sa kanya yung sa akin dati). Medjo nawoworry po ako kasi iniisip ko po kung paano ko maaalagaan ng maayos si baby kung magkasakit po ako. Ngayon po kasi konting bahing lang ng kasama ko sa bahay nahahawa na po ako agad. Meron po ba kayong pwede ipayo na gawin or inumin? Please ayoko po magkasakit para sa pamilya ko at sa akin na rin. Salamat po. PS: Nagiingat na po ako lalo, iniiwasan ko na lumabas pag umuulan kahit na ambon lang. Salamat po mga mommies.

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời