Spotting / Bleeding

Meron po ba ditong pabalik-balik ang spotting then minsan po ay nagbleed na din? Ano pong iba nyo pang ginawa para mawala yung spotting? Nakailang balik na po kasi ako sa OB ko and okay naman po ang lab results ko pero 2mos mahigit na po akong may spotting. 1month mahigit na rin po akong nakabedrest and 1month na rin pong umiinom ng duphaston and heragest. #1stimemom #firstbaby #pregnancy #advicepls

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Share ko lang experience ko. Pero baka ibang case tayo. Better sa OB mo pa din ikaw lumapit. Me bleeding ako nung 12 weeks. Napasugod pa kami sa ER. Nakita sa ultrasound na mababa placenta ko at medyo inflammed ung cervix ko. So bedrest ako at mga gamot pampakapit. Nawala naman cia agad. Tapos after 2 weeks dinugo nanaman ako. So nag pelvic exam kami at pap smear na din. Pagka check ng OB ko namamaga daw cervix ko parang me sugat sugat. Infected daw. So binigyan ako vaginal suppository para don. Then after a week dinugo nanaman ako. 1 week na spotting this time. Pero this time nakita sa urine culture and sensitivity na mataas bacteria ko sa ihi. Kaya binigyan ako oral antibiotic. Nakita din sa result na resistant ako sa common na antibiotics. Take note sa urinalysis wala nakita. So basically ung bleeding ko cause nia is UTI. Asymptomatic ako.

Đọc thêm
3y trước

ahh. yon pala po yun. wala naman pong nakita don nung nagcheck po sila.

Thành viên VIP

Super maselan ka nyan magbuntis ma eto experience ko. 6weeks ko nalaman preggy ako. Dalawang yolk sac ang nkita baby A and B pero si B wala pang embryo. After check up the next day nag spotting ako. So bumalik ako sa OB after few days of monitoring ng spotting. Then reseta nya ako pangpakapit for 1 week. After 1 week balik ako OB. Then ok naman lahat pero wala parin embryo si Baby B. Binigyan ulit ako pang pa Kapit for 1week since may spotting parin. Then super bed rest ako as in bawal maglakad at magpunta ng cr. Kaya nag diaper ako pero dinugo parin ako, ndi lang spotting dugo talaga Then after that bumalik kami OB. Dun nakita na wala na si Baby B. Buti nalang nag stay si Baby A. Natunaw ng kusa si Baby B. at 8weeks. Iba iba ng cases ng pagbubuntis talaga. Kaya better paalaga ka lang sa OB mo, pwede ka rin mag 2nd opinion sa ibang OB.

Đọc thêm
3y trước

oo nga po e. nakailang check-up na rin po ako sa ibang OB kasi nasa ibang lugar po yung work ko. pare-pareho lang po sila ng opinion at advice sakin.

Ganyan din sakin mi from 2nd to 5th month ako nagkaspotting, nung una hndi makita na OB ko ung reason kung bakit ako may dugo lagi, kasi okay nman laboratory ko saka transV no subchorionic hemorrhage nman. Pinagcontinue nya lng ako ng pampakapit at prenatal vitamins nung 3rd month ko nagpelvic ultrasound n ako don lng found-out may placenta previa pala ako pero ngayon 29wks n ako okay n din placenta ko.. Pray lng po mi at pwede nmn po kayu hanap ibang OB n makikita reason kung bat kayu nagdudugo para maalagaan kayu ng tama. Naka 2 OB din kasi ako, umalis ako don sa una kasi sinasabi nya normal lng spotting ko kahit inabot n ng two weeks basta painom lng sya ng painom ng pampakapit.

Đọc thêm
3y trước

yung sakin kasi mii, di naman daw po mababa ang placenta ko. posterior po sya. wala naman pong nabanggit si doc na katulad po ng inyo. then ngayon po, nagdidischarge na po ulit ako ng light brown. normal kaya po yun?

First tri ko puro ako spotting/ bleeding. Meron p nga yun nagcclot. Pinagbed rest ako ni doc for week. Tapos may nakita na polyps sakin. Pampakapit lang at bed rest. Tapos every 2 weeks nagppcheckup talaga ako. Okay naman si baby as of now, turning 29 weeks thankful ako wala ng bleeding. Maselan po pagbubuntis nyo momsh. Sunod lng kayo sa Ob nyo

Đọc thêm
3y trước

opo mii. salamat po.

same po, pero sa case ko ngsstop na si spotting pero ung hemmorage ko andon pa din sa loob although lumimiit na sya..di na rin maexplain bakit antagal mawala although super okay naman si baby.. nka duphaston pa din ako at additional bed rest na din..follow nalang ntn OB ntn..hope maging okay na tayo ☺️

Đọc thêm

May mga ganyan kasi talagang maselan magbuntis. :( better just follow your OB’s instructions, they know best than anyone elese here. If di ka satisfied maybe get a second opinion from another OB. May kilala ako buong pregnancy niya nakabed rest dahil maselan din.

3y trước

yon nga po sinusunod ko ang OB ko. nag-ask lang po ako dito kasi baka po may malalaman po akong iba. nakakabahala po kasi yung spotting e.

buti pa po kayo tumigil ang spotting.. ako po kasi ay until now ay meron pa rin tho nagbebedrest po talaga ako and sinusunod ko po yung OB ko. 😢