There are 2 ways para mapasunod sayo ang isang tao: 1) Out of fear, and 2) out of Love and lRespect. Nung bata si eldest, nagagawa mo pa sya mapasunod through fear but eventually ay na-immune na rin sya kaya tumigas na. So yung Respect, dati ay nakuha mo rin by default by you being her mother pero nafeel nya siguro na hindi mo sya Love (with all the sigaw, bugbog, etc) so you lost that as well. Respect is not just given dahil magulang ka o matanda ka, that is earned as well.
Aminado naman po kayo sa pagkukulang nyo, so sana ay willing rin kayo to make it right. Just as hindi overnight yung pagiging sutil ng anak nyo, hindi rin overnight kung gusto nyo sya magbago. And it should start from you. Sorry to say, pero para sa akin, based on your story, karma nyo yan dahil sa naging pagtrato nyo sa kanya before, at ngayon naaawa ako sa anak nyo dahil biktima lang sya ng wrong parenting. Kung baga, inaani nyo ngayon yung tinanim nyo, pero pati tuloy anak nyo ay nadamay.
Ang payo ko po, subukan nyo muna kausapin nang masinsinan. Aminin at tanggapin sa kanya ang mga nakaraang pagkakamali nyo, humingi ng tawad at iparating sa kanya na nais nyo ayusin at bumawi sa mga naging pagkukulang nyo sa kanya. Tanungin nyo sya, bakit sya galit at kung ano ang pwede nyo gawin para tulungan sya? Sabay sundan nyo ng kilos at gawa. Iexpect nyo na irereject nya kayo at hindi makikinig lalo na adolescent stage na sya pero don't give up, show her your sincerity. Bilang kayo mismo ay naging ganyan, wika nyo nga-- buryot, mairita at mainitin ang ulo, dapat kayo ang unang nakakarelate sa pinagdadaanan ng anak nyo. Nagkaganon kayo kasi kanyo wala kayong income nun, eh paano pa kayo yung anak nyo na sa murang edad eh napagtitripan ng sarili nyang ina kahit wala syang ginagawang masama? Hindi ba kayo mabuburyot nun? Just because you stopped doing it, don't expect her to just be ok with it and go on like nothing happened. Ni minsan ba ay nagawa nyong mag-Sorry sa anak nyo? Then just when she thought na hindi nyo sya mahal, bigla kayo magmamahal ng iba, maga-asawa at anak pa? I'm not saying na mali ginawa nyong maging masaya, I'm just trying to show you the possible POV of your eldest.
Kung mahal nyo anak nyo, kausapin sya at humingi ng tawad, alamin ano ang pwede nyo gawin para sa kanya. "Kill her with kindness", show her your sincerity. Or better yet, talk to a psychologist. Tanungin nyo ano ba dapat diskarte sa anak nyo, and if willing anak nyo to also talk to a psychologist, then even better.