Braxton Hicks Contractions
Meron din po ba naka experience nito dito ? Grabe parang manganganak ka na rin talaga. Any advice para hindi lagi mangyare to ? Next week pa kasi sched for OB
Hello. Na-experience ko nung nasa 32 or 34 weeks ako. Pero hindi naman siya masakit kahit madalas. Sabi ng OB ko, ipahinga at itulog lang daw. Anyway hindi naman siya consistent mawawala din siya after ilang days. Pero kung hindi mawala sa pahinga at tulog, tapos mas tumitindi pa ang sakit, need mo na magpacheck-up kung below 37weeks ka pa lang.
Đọc thêmDi po masakit ang braxton hicks at normal na may ganyan po sa ayaw mo man po mangyari dahil nagporactice/prepare na ang uterus mo for the big day... nawawala rin po dapat lalo if magrerest ka o magrerelax ka. kung masakit po at matagal mawala o hindi nawawala.. pwedeng di na braxton hicks yan.. baka naglalabor na po. Pacheck ka na alng po sa OB mo.
Đọc thêmRest ka po. Kung hindi nawawala at nagiging regular na ang contractions, dapat po magpa-ER ka na kasi baka nagpreterm labor ka na po.