Konting ihi ni baby
Meron din po ba dito na kagaya ko? Konti lang kung umihi si baby sa buong mag damag hindi man lang napupuno ang diaper nya. Hays nag aalala tuloy ako may sipon ubo pa naman baby ko at kagagaling lang sa lagnat😥 Hindi kaya dehydrated ang baby ko? Kulang kaya sa kanya yung breastmilk ko? Matakaw naman sya dumede eh pero bakit ganun ang konti ng ihi nya😥