Pagtatae ng mga baby
Hi mejo curious lang ako kung pano masasabi na nagtatae ang isang baby? Ang baby ko kase consistent na ilang beses talaga mag poop kada araw minsan 4x or 5x a day eversince ganun sya 5 months na sya. Kaya napaisip lang ako kung pano masasabi kung nagtatae ang bata hehe
According to my baby's pedia po, ang titignan mainly ay consistency po ng poop ng baby. Masasabing nagtatae daw po kung ang poop ni baby ay naaabsorb ng diaper na parang wiwi. Kasi ang poop, di naman sya dapat naaabsorb or nasisipdip ng diaper, nakaibabaw lang dapat sya sa diaper. Pero once very watery na ang poop to the point na inaabsorb na sya ng diaper, tapos more than 3x a day nangyari, diarrhea na raw po un at dapat na raw po syang iinform agad para maagapan.
Đọc thêmsame po sa baby ko 5months old din siya nakaka 5× din po siya na poo sa isang araw d ko din po alam kung nag tatae cya kc d namn tubig poop niya eh balak ko palang po pa check up bukas sa center wala kc kami pang pedia e😔
Same po tayo, yung baby ko 3mos old 2-4x a day nagpopoop hehe. Mukha namang hindi siya nagtatae kasi ‘di naman every after feeding. Hobby lang talaga niyang tumae 😅
Ganun din po sa’kin. Madaling araw pagkagising niya mga 4/5am siya magsstart magpoops. Minsan pagkapalit ng diaper na wiwi lang saka siya magpoops😅
Check mo po yung texture ng poop nya. And as per pedia po ng baby ko if every after feeding nag poo poop considered nagtatae po yun.
ahhh okay thank you for info. so far di naman ganun ang baby ko