Share my experience..

Meet my not so little one ? parang hindi daw newborn ?? EDD: Jan. 19, 2020 DOB: Jan. 5, 2020 Via NSD 3.75kgs. Thank you Lord at nainormal ko si baby ? akala ko talaga ma CS na ako. Super bilis ng pangyayari... Here is my story! ? Sunday, Jan. 5, 2020, 4pm.. Going to church to attend sunday mass.. Parang nkakaramdam na ako ng sakit sa puson ko pero di ko pa masyado pinansin.. Habang nasa mass mejo nadadagdagan ung sakit so sinabi ko sa hubby ko, after mass nagcr ako wala pa nman lumalabas na discharge na sinasabi nilang mucus plug so isip ko wala pa pero sumasakit na talaga, so diretso muna kami sa house ng parents ko around mga 6pm. Dun na siya sumakit na parang naluluha nako.. Sabi ni hubby dalhin nya na daw ako sa ER, so inorasan ko every 5mins. Na ang interval pagcheck ko sa CR wala pa dn nman discharge pero naiiyak na ako kasi tumitindi na contractions kya nagpadala na ko sa ER, within 30mins. Nasa ER na kami (by the way dun din kami ni hubby nagwowork sa hospital kaya andun lang sa office mga gamit namin ni baby) pagka ie sakin nagulat kami kasi 5cm na daw ako. So konting interview lang sinaksakan nako ng dextrose tas naririnig ko na lang sila sabi idiretso na daw ako sa DR (Delivery Room) so mejo nataranta at naexcite na kami kasi this is it. Lalabas na si baby makita nanamin siya. Around pass 7pm nako nadala sa DR after ilang minutes pag ie sakin 7cm na daw ako, tinanong ko nasaan na OB ko sabi otw na daw. So while waiting sa doctor namimilipit na tlga ako sa sakit then parang nraramdaman ko may lumalabas na sa vagina ko tubig na tuloy tuloy. Pass 8pm ie ulit 8cm nako.. Wala pa dn doctor. May kinabit sila sa tiyan ko to monitor the baby's heartbeat and ung intensity ng contractions ko. Tanong nnman ako nasan na si OB ko ntraffic daw malapit na daw. Hnggang sa nag 9cm nako wala pa dn si OB pinapractice na nila ako pano magpush, ung wala daw sounds dapat tas ung parang tatae lng daw ng napakatigas then paghumilab isabay ko pagpush then magcocount sila ng 10seconds. Then finally, dumating na rin doctor ko kakapractice namin magpush pgdtng ng dr. 1inch na lng ulo ni baby daw sa labasan ko so fully dilated na pala tlga ko kya nila ko pinapractice magpush, then after mga 3push lumabas na agad si baby.. Mga 10pm. Nakaraos na din sa wakas, no epidural grabe ramdam ko lahat ang sakit.. Pero mapapa thank you Lord ka pala talaga pag nalabas, makita at marinig mo na iyak ni baby. After ilapag sakin si baby ang lola nyo ayun tulog.sa.sobrang pagoda. Kaya Goodluck sa mga mommies na manganak pa lang, kaya niyo yan!!! Be proud mapa normal or cs delivery man dahil di biro ang pagiging mommy!!! Thank you sa.app nato madami ako natutunan at sa mga mommies dito na willing ishare.mga experiences nila during pregnancy. Thank you!!! ???

Share my experience..
82 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

mommy congrats sa inyo 😍😍😍 salamat sa Dios nakaraos kau. Kinakabahan na din me. pero 34 weeks p lng nmn ako. Msakit b ung labor? prang kalamado ka momsh. Bearable ba ung pain? Ang galing ng sau kasi wlang complikasyon, sana kmi din 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

5y trước

Tama po kayo mommy mel.. Iba ung ramdam kong sakit sa baby boy ko po. Grabe po tlga. Hehe

Congratulations mommy! Hopefully ma bormal ko din si baby last month 2.9 siya eh paniguradong lumaki pa siya. Sa 24 pa edd ko. Hihi. Im so excited na din.

5y trước

Ganon daw po tlga pag magdaan ang xmas at new year di maiwasan mapakain ng marami.. Ako non 35 weeks plng ako 2.8kg na sya sa tummy ko expected ko.lagpas lng konti ng 3kg diko akalain kulang kulang 4kgs. Na si baby sa loob.. Pero nakaya hehe. Kaya mo dn yan mamsh. Tiwala lng and pray. Kausapin mo si baby. Then squatting kna then kegel exercise. Yan ginawa ko sana effective dn sayo. Goodluck and Godbless po! 😊😇

Huhu knakabahan na dn ako na eexcite.edd jan 28 pro pnapainom nko ni doc ng evening primrose oil pra dw lumambot na ung cervix ko

5y trước

*Wow..hehe tank u.. salamat momy pnalakas mo loob ko. *Lmp ko po april 15

Wow congrats... Kaba much narin ako sunod buwan na labas baby ko at FTM pa ako.huhu bahala na c god sa amin.

5y trước

Hehe oo mamsh.. Mahirap tlga iexplain manuod kn lng nga. Hehe😅😅😅

Congrats momsh. At napaka detailed. At least malalaman nang mga ftm how it feels and what to do.

5y trước

Thanks po! 😊 naappreciate niyo po pagshare ko. Godbless! 😊😇

Thành viên VIP

congrats mommy. sana ako din kayanin.. laki nrin kc ni baby sa tummy ko.. 37weeks 5days

5y trước

Thanks po!! Kaya mo din yan mamsh! Pray lang po. Then start na squatting then kegel exercise pangexercise ng pelvic bone ntn to prepare for delivery.. Goodluck po and Godbless!!! 😊😇 malapit na po yan. 😊

Wow...ako lapit na din manganak line of 20 ng february...pang 4 kunang baby this time..

5y trước

Goodluck po and Godbless mamsh!!! 😊😇

Influencer của TAP

January 22 due date ko.. I'm excited and nervous at the same time. Congrats mamsh.

5y trước

Thanks po. Malapit na rn yan mamsh!! Goodluck po and Godbless!! 😊😇

Thành viên VIP

congrats na excite na din aq peru need more lakad.So cute ni bb❤

5y trước

Thanks po! Squat squat na po then kegel exercise.. Un po gngawa ko for preparation ng pelvic bone ntn pag nanganak para.mainormal.. Goodluck po and Godbless!! 😊😇

Wow congrats po! God bless with your cutie angel💝💝💝😊