38 wks 2 days
Medyo frustrated na ko. 38 wks 2 days still closed cervix 🥺 3.4kg na din si baby sa loob kaya medyo worried din at baka mauwi sa CS. Pero wag naman sana 😔 Lahat na nagawa ko, s*x with hubby, lakad, squats, workout, pineapple juice, primprose 2x a day huhu. Pagpray niyo po kaming mga naa-anxious at naiinip na sa paglabas na baby 😔😌 #38wks #FTM
wag po kayo masyadong ma stress mommy, lalabas at lalabas si baby kung gusto na nya talaga, ako sa subrang stress ko at subrang iyakin ko din kahit kadalasan wala naman dahilan 😅 (hormones siguro) pumutok panubigan ko. take note 2 days bago pumutok panubigan ko nakapag pa check up pako nun at close cervix pa talaga. tamad ako maglakad wala ako excercise mas gusto ko lagi matulog as in never ako naglakad lakad. kaya nung dinala na ako ng partner ko sa lying in nung pumutok panubigan ko mga 5am natuwa ako kasi kahit papano nagka 1cm na 😅. pray lang po talaga 🙏
Đọc thêmterm is 38-42 weeks momshie. so wait ka lang for the day na gusto na talaga lumabas ni baby. I am sure alam naman yan ni OB mo. trust your OB. marami na sya nahandle na patients, she's trained for that. worrying does not help. instead, pray and do some breathing exercises. I am also preggy 36 1/7 weeks.
Đọc thêm37 weeks and 4 days naman here 2cm lumalabas labas nadin mucus plug kaso wala pang hilab. more lakad padaw sabi ni OBY no need to worry kse maaga pa naman daw. meron akong ksabayan sa ER nung isang araw na 41 weeks na sya. scheduled for CS na kase konti nalang fluid nya then wala pading hilab
same here. 38W3D. closed cervix. Sabi ni OB kahit anong lakad or inom pa yan kung ayaw pa ni baby lumabas, wala raw magagawa. Nasa perfect timing ang lahat, baka di pa ready si baby lumabas. Pero sa totoo lang nakaka bagot na talaga mag antay.
Đọc thêmSame here po :( super bigat na ng baby ko 1cm parin last check sakin, then 3.4kg nadin si baby ginawa ko na lahat pero wala parin sign of labor.. pero sobrang sakit ng balakang and pwerta ko lagi
38 weeks and 3 days base sa LMP ko every week 1cm lang ng 1cm na dadagdag sakin 😞 bali 4cm naku ngayun but still makapal padin ang cervix. Ginawa ko nadin lahat gusto ko na makaraos
Same 38 weeks na rin ako nakaka kaba talaga pag wala pang sign ng labor. Last monday 3cm na ako pero wala pa din any discharge or pain hays 🥹
same here. 38w2d... chill lang tayo mamsh .. sabi nila wala daw yan sa ginagawa. si baby lang ang nakakaalam kung kailan siya lalabas... pray lang tayo mamsh...
Ako NGA Po miee 38 weeks and 5days na Po. Panay LG panigas at pabukol bukol c baby. d na dun ksi ako nkabluk KY ob kapos dn po sa budget.
mas lalo po si baby magtatagal kapag na stress ka mii hanggang 42 weeks naman po yan aq nga 40 weeks na no sign pa din and close pa
1st time Mom