Worth the pain
Maxspaun Thaddeaus EED: Sept 15, 2020 DO: Sept 9, 2020 3.5 Kg I just wanna share my experience. Sept 9, 2 am may naramdaman akong lumabas na tubig sa pempem ko, as in nabasa pati short ko, hanggang mag umaga nafefeel ko may lumalabas na tubig, so punta kami ng lying in around 10 am. Pagdating namin doon 4-5 cm na ako nilagyan ako ng primrose sa pempem. Pag kauwi sa bahay around 11 am sobrang sakit ng pus on ko, halos di na ako makaupo naiyak na ako sa sakit, nag lalabor na pala ako until 2pm, halos di nawawala sakit. Pumunta na kami ni mama sa lying in around 2:48 pm pag dating doon nag CR ako then doon na pumutok panubigan ko IE ako agad 9-10 cm na. Malaki si baby baka daw di ko manormal, ang liit pa daw ng pempem ko parang pang grade 9😂.Kumuha kami ng private doctor from pa si DRA babyahe pa ng Laguna, di na siya nakarating, wala na rin naman maabutan ako anak na anak na talaga ako. So ayon na nga di ko na kaya ang sakit as in parang natatae na talaga ako, so inere ko na. Ang resulta ng maliit na pempem then malaki si baby, ayun 4 na tahi both side. Thank God at nalabas ko na Normal, Safe and Healthy si Baby. 😊
Excited to become a mum