Urinary infection

Mataas po ako ang uti ko ano po kyang pwdeng gawin? Binigyan po ako ng antibiotic ayaw kopo itake baka makasama po sa baby 4months preggy po#advicepls

Urinary infection
51 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same nung 15weeks and 2days ko nagka uti ako 15-20 pus cells. Niresetahan ako ng ob ko ng antibiotic ( co amoxiclav) twice a day for 1 week. Ayon isang linggong may antibiotic plus more water intake and nag buko juice din ako. Then after a week bumalik ako sa ob ko to check if okay na uti ko. Thank God, from 15-20 naging 0- 3 na lang sya. Super clear. Happy din si ob. Sis wag kang matakot itake, kase hindi naman tau ipapahamak ng ob natin. And inumin mo yan para din sa safety ni baby kase pwedeng sya ang magsuffer sa infection mo. At ayaw natin mangyari yun. More water intake ah... Be safe and God bless 🙏

Đọc thêm
3y trước

Plus proper hygiene din po. Para iwas infection. Iwas sa mga pagkaing maalat lalo na mga juices, soda, and cup noodles. Take mo na yan para happy na din si baby okay na si mommy nya.🙏❤️

Please take your antibiotics po lalo kung prescribed naman ni OB. Dati nung nagbubuntis ako, madalas din ako magka-UTI pati blood infection. Iniinom ko naman maayos yung antibiotics ko. Pero nung last weeks of pregnancy ko, hindi na namonitor kung nagka-infection ba ako ulit. Pag labas ni baby, 1 week na nag-antibiotics dahil napasa saknya yung infection na nagkaroon ako. Kaya please drink your medications po. Di magbibigay si OB ng makakasama sainyo ni baby.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Alam mo sis hindi ka bibigyan ng antibiotic kung hindi nakita ng ob mo na mataas ang UTI mo? Worried ka baka mapano si baby pero dika worried na kapag di mo ininom ang gamot mo pwede kang makunan, manganak ng maaga or pagkapanganak mo kay baby naipasa mo sa kanya ang infection. Sundin po natin ang mga doktor natin kc sila naman tlaga ang katuwang natin para makaraos tayo sa panganganak ng maayos.

Đọc thêm

Ako din po first mommy 5 months po ang tiyan ko. nung 4 months palang po nakita na mataas po ang UTI ko niresetahan din po ako ng cefalexin antibiotic pero di ko po ininom gawa talo daw po ang baby. kaya ang ginawa ko na lang po ay umiinom ako lagi ng buko tapos nung nagpalabaratory po ulit ako ay okay na ang resulta ng aking ihi. buko lang po ang inumin lagi. sana po makatulong

Đọc thêm

mommy kailngan gmutin po uti nyo kc ,wg nmn po sna pro ung asawa ng papa ko d rn nla gnamot uti nung buntis pa , ok ung kpatid nmin mukhang mlusog pro pg sapit ng one years old , binawian sya ng buhay😢 may twag sa skit nya , d ko lng tnda pro sbi ng doctor dhl dw un sa ngka UTI ang nanay tpos d gnamot kya ngka gnun .. po please save your baby hbng early pa po..

Đọc thêm

Drink Cranberry Juice. Yung puro ah, hindi yung may added sugar. Super effective pampawala ng UTI. Nagka UTI ako bandang week 11 ko then niresetan ako ng amoxicillin for 1week. Nung nag antibiotic ako, mas lalong tumaas infection ko. Kaya binigyan ako ng mas mataas na dosage ng antibiotic pero di ko na ininom, nag cranberry juice nlang ako.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Kung prescribed by doctor yan, for sure safe ka sa gamot na yan (unless di nya alam na buntis ka). Malamang di lang ikaw ang buntis na niresetahan nya nyan. At wala naman sigurong buntis na bumalik sa kanya at nagsabi na nakasama sa kanya ang gamot. Kase kung meron man, tiyak di nya yan irereseta sayo....

Đọc thêm

Ako po nagtake din ng antibiotic few weeks ago at sambong supplement until now dahil din sa UTI ko, nung una takot din ako pero ininom ko as prescribed by the OB. Di naman po sila magpprescribe ng makakasama sa atin. Mas makakatulong yan para mag improve yung Uti dahil mas masama po yung may existing infection habang nagbubuntis.

Đọc thêm
Influencer của TAP

ako din binigyan ako anti biotic pero d ko binili, water therapy and arinola ako naun, water ko mga 2 to 3 liters per day, tapos pag 6pm stop na ko s madaming tubig.. Then arinola para d ko mapigil ihi ko pag may tao sa cr or pag naihi ako ng alanganin sa oras.. Monitor ko lang din kulay ng ihi ko, the clearer, the better :)

Đọc thêm

Walang ob na nagbibigay gamot para ikakasama nang baby natin. Ako nga dati nung buntis ako may uti din niresitahan ako nang ob ko monurol para sa uti once lang iinumin. Ininom ko ngayon kakapangank ko palang wala namang nagyari sa baby ko.