First Vaccine of my Baby
Mas ok po ba sa Center magpa vaccine si baby???
Hello po. For me, kung hindi pandemic sa center kami, para libre. Pero dahil nga pandemic mas pinili namin sa private clinic/Pedia. Mahal pero okay lang atleast hindi expose si baby sa maraming tao. Ang pinagkaiba naman sa center at private, isa yung type ng vaccine at availability. Dahil maraming nagpapavaccine sa center, minsan nagkakaubusan at paunahan na makapagpalista para sa susunod na available. Sa private kung hindi naman karamihan ang patients hindi mo kailangan mag antay kung kailan sila magkakaroon ng vaccine kasi laging meron. Tapos yung type ng vaccine sa first 6 months ng baby sa center 5in1 vaccine (DTaP, Hib, HepB), OPV (Oral Polio Vaccine), PCV (Pneumococcal Vaccine), wala laging RV (Rotavirus Vaccine) sa center Sa Clinic, 6in1 Vaccine (DTaP, Hib, HepB, IPV-Inactivate Pneumococcal Vaccine), PCV, RV. Yun po 😊 Pili ka lang ng maayos na Pedia. May ibang Pedia kasi na sobrang dami ng pasyente na ina-accommodate at laging nagmamadali, hindi okay para sakin. Tapos piliin mo rin kung saan naka-clinic, kung sa hospital or sa labas, mas gusto ko yung nasa labas ng hospital para less exposure.
Đọc thêm
ig: millennial_ina | TAP since 2020