Ano'ng hardest BUNTEST na pinagdaanan mo?

Maraming challenges sa pagiging buntis. Mula sa morning sickness hanggang sa labor. So far, ano'ng pinaka challenging na pinagdaanan mo?

Ano'ng hardest BUNTEST na pinagdaanan mo?
333 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I'm 22 and first time mom. Asawa ko is from Davao. Ou. Maraming nagulat, nabigla Kasi ako yung tao na hindi pala boyfriend and biglang nabuntis. 😂 Pero Wala akong pinagsisihan. Kasi nung nasa bahay ako at dumating sa punto na nawalan ako ng trabaho bcs of pandemic, dun ko nakita sariling kulay ng pamilya ko. 😿 Madalas akong saktan ng kapatid ko at Wala akong mapuntahan. Wala din magawa magulang ko kapag sinasaktan ako at puno na ako ng trauma. Nung nalaman kong buntis ako, sobrang Masaya Kasi Parang lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan ko napawi. Swerte ako Kasi may asawa ako na hindi ako pinapa-bayaan at sinasaktan. Ang problema namin, naging maselan ang Pagbubuntis ko, specially sa first trimester ko. Madalas ako Hindi makahinga at nahihilo. Hindi rin maka-kain at naiiwan sa apartment namin mag-isa. Kaya napilitan kami umuwi sa amin. At Wala Naman problema sa magulang ko. 🙂 Pero Yung kapatid ko ang pinakamalaking struggle samin, kinukutya kaming mag-asawa kahit halos kami na ang nagpapa-kain sakanya. Kahit papano naging maganda ang pag uwi namin sa amin kasi nanay ko, natutulungan ko sa bahay dahil ako lang ang anak nyang Babae. Ang asawa ko natutulungan din sila financially kahit walang s'yang pamilya Dito at Hindi ganun kalakihan ang sahod. Ang masakit lang upto now, eh madalas pag mainit ulo ng kapatid ko binabasag nya gamit namin, pinapalayas kami lahat maski magulang ko sa sarili naming bahay. Kinakamkam nya lahat ng lupa, saka, at lahat ng meron kami. Perwisyo nadin s'ya sa ibang tao. Upto now, s'ya ang challenge namin. Ang hirap pala pag nasa sariling bahay mo ang hindi mo kasundo. Gusto man namin humiwalay sa magulang ko pero nagmamaka-awa magulang ko dahil Mahal Nila ang pinagbubuntis ko. Nasa second trimester na ako. Pangalawang beses na ako nawawalan ng Malay bigla-bigla. Hoping ang praying na Malagpasan namin ng pinagbubuntis ko yung takot, hirap na araw-araw kaming binabagabag. 🙏

Đọc thêm