Iikot pa siya sis. Wag ka na magpahilot. 23weeks ganyan din ako suhi din c baby,pero nitong nagpaultrasound ako 25weeks nakapwesto na siya. 26weeks nako ngayon. Tapatan mo lang ng music bandang puson mo susundan niya un.
Yung ate ko nung suhi siya sa panganay niya nagpahilot siya para maayos wala naman nangyari masama sa baby dahil sobrang healthy pagkalabas. Pero ganyang age eh iikot pa po yan. Magsteady na lang sila pag kabuwanan na.
not recommended po magpahilot. nagtry po ako dati pahilot. ang sama po sa pakiramdam at si baby sa loob ng tyan ko sobrang likot. nasstress daw po ang baby dahil sa pressure.
Wag ka magpahilot sis. Magpatugtog ka lang sa tapat ng puson mo. Pwede rin ilawan mo tapat ng puson mo. Then left side ka lng lagi mag sleep.
huwag mo na po ipahilot mamsh, Kusa naman iikot si baby. Based on my experience 27 weeks suhi baby ko then 37 weeks cephalic na sa wakas.
Iikot pa po yan... Ask nyo lang OB nyo kung anung dapat gawin... Nakakatakot po kasing mag pahilot mamaya kung mapaano si baby sa loob.!
not recommended mamsh, kung breech si baby wait mo na lang po umikot siya mag turn to cephalic 🥰
Hi mamshie😊 WAG po mas marami napapahamak sa hilot😔 like sabi ni Dra Lace NEVER DO THAT🙂
kahit ipahilot mo yan iikot at iikot pa din yan tsaka 23 weeks ka palang iikot pa yan si baby.
monitor mo muna utz ni baby.... den ask si ob if need pa i maneuver position ni baby.