Saan mo mas gustong manirahan?
Maliit na bahay sa city or Malaking bahay sa province?
malaking bahay man o maliit mas gusto ko talaga sa probinsya..Bukod sa sariwa ang hangin at tahimik ay mura lang ang mga bilihin ☺️
kahit maliit lang na bahay sa siyudad basta andun na lahat sa loob... at may maluwang na bakuran sa labas... 😊
province gusto ko kahit pa maliit na bahay. Ang presko kasi saka nakakarelax sa province e kaya gusto ko dun kesa sa metro manila.
malaking bahay sa probinsya, kahit maliit lang nga eh basta sa probinsya. Maganda kasi sa probinsya iwas noise and air polusyon
malaking bahay sa probinsya or kahit simpleng bahay sa probinsya basta masaya tsaka kumpleto 😊
Province kahit maliit na bahay lang. Parang mas peaceful lang tsaka mabubuhay ka basta masipag ka magtanim.
Province kahit di masyadong malaki. basta maaliwalas, presko mai makakaon kami, malayo sa covid at lalo na sa byenan. 😅😅
okay na samin ang maliit na bahay basta maayos at makakatulog ng mahimbing ang anak ko. mas gusto ko sa probinsya para payapa.
Pareho. Nasa syudad kasi work, may mauwian lang... Then sa province yung dream house, bakasyunan and pag magsettle na haha
kahit medyo maliit lng na bahay sa probinsya at may available na space sa backyard for mini garden.ok na ok na na ako dun