Mali ba?!?..

Mali bang sumagot na pinagparuran ko yung perang pinangbabayad ko sa credit card ko.. kesyo daw kuha ako ng kuha ng ganun.. Mali bang sumagot na buti ako nagtra-trabaho, eh ikaw?!? Mali din bang sagutin na anung palagay mo sakin, hindi ko kayang dalhin yung sarili ko sa ibang bansa at kulang na lang ibugaw mo 'ko sa foreigner..! kasi bakit 'di na lang daw ako maghanap ng foreigner.. Mali bang sumagot ng aba nakakahiya naman kasi yung sahod ko ang pambayad ng kuriente, tubig, internet at utang.. kaya pati pamasahe ko pinangungutang ko na din.. Mali bang sumagot ng baka naman may anak ako na gusto kong palakihin.. at responsibilidad ko yung anak ko.. hindi ko obligasyon na maging responsibilidad kayo.. Mali bang sabihin na baka kulang pa yung gusto mong isumbat?! bakit di mu pa isumbat na ipagpasalamat kong binuhay mo 'ko at kahit papano inaAlagaAn mo ang anak ko.. Makapagsalita ka daig mo pa kapit bahay mong mga walang etiquette!! Pasalamat kayo dahil sa anak ko kaya kong ipagsawalang bahala lahat ng sinasabi at pinapakita nyo! Minsan talaga mas nakakatagpo ka ng pamilya sa ibang tao eh..

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mommy, I think need niyo na bumukod ni baby and get a yaya nalang (yung super mapagkakaltiwalaan) . That is more tipid pa ata kesa jan sa situation mo ngayon. Hindi pwedeng forever ikaw nalang magsusuporta sakanila, paano naman kayo ng baby mo? Masyado naman atang foul na ganon na yung ginagawa sa'yo. It's better to cut ties with toxic people kahit kadugo mo pa yan. Iba yung umaabuso na talaga. Anyway, nasa sa'yo pa din yan mommy. I hope na you'll find a better solution sa situation mo. Kaya mo yan. Praying for you and your baby. 🙏

Đọc thêm

monster in law ba ito o monster hubby mismo?

5y trước

They are my own blood and family.