Emotional

Mali ba ako? Masama naba ako? Selfish bako? Iniwan kami ng jowa ko kami ng 6weeks old nyang anak dto sa condo. Bumukod na ksi kami mula nung May 2019 pa. Eh yung kuya nya dun sa bahay nla sa need dalhin sa hospital kelangan ng medical assistance. Nandun naman both parents nla. At mga kamag anak na pwede tumulong kasi magkaka kapit bahay sla. Pero umuwi pa din ung jowa ko dun skanila, sabi ko wag na wala kaming kasama gabi na. Eh sabi nya natataranta na daw ksi ung mga magulang nya dun. Edi sbi ko edi sige umuwi ka bahala ka. Pero sa loob loob ko ayoko talaga. Naiinis ako. Na puta kaya mo pala kami iwanan. Hndi nman life and death situation un, di nman emergency. Wla din nman sya mgagawa dun, mag aaway lang silang magkapatid dun. Nakukuha nyo ba ung point ko? Kasi dba simula nang mabuntis ako magkakaronnna sya ng sariling pamilya eh. Ung kanya talaga. At ngayon andto na ung bata, may pamilya na sya, LEGIT. Pero bakit ganun, hndi ko naman snasabi na hndi na nya pamilya ung pamilya na back home. Pero ung iwan kami dto sa condo, na kaminy dlawa nung bata, walang ksama at gabi na. Hndi man lang kaya sumagi sa isip nya na okay lang kaya na iwan ko muna sandali tong mag ina ko? Kaya ko bang iwan tong mag ina ko? Family comes first ika nga. Pero pag sa mga ganitong sitwasyon talagang tantsahan kung ano mas matimbang. Di porke nasa condo kami safe na kami. Di porke gabi na eh easy nlang kaming dlawa nung bata. Paki tulungan nga ako mga sis kung mali bako, masama nba ako, selfish bako sa gantong nararamdaman ko, nakikita ko. Pamilya na kami dba? Sno ba mas dpat unahin? Isipin? Piliin? Naiinis lang tlga ako. oo sge suppor kung suppor sa financial and any other needs. Pero ung mga ganitong sitwasyon na pra bang hndi nag iisip. Hndi ko sinasabi na dpat wla na syany pake sa pamilya nya o wag na isipin. Pero sna dba ilugar nya ung ikikilos nya o aksyon na gagawin nya. Nalulungkot ako. Once nya na kasi akong di napaglaban eh. Nung umamin kami skanila na buntis nko. Di sya nakapag salita nun, wla syang snabi. Nainsulto't natapakan na ung pagkatao ko nung nanay nya pero ni minsan dko sinagot nanay nya. Natatakot na baka isang araw dumating pag kelangan nyang mamili baka hindi kami ung piliin nya. Sa gantong sitwasyon palang eh. Oo alam ko nag aalala lang sya kasi kapatid nya un, mahal nya un. Pero pano naman kami? Sarili nyang pamilya? Kelangan ko ng kausap mga sis. Wla na nga akong kaibigan sa totoo lang eh.

5 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Pagbigyan mo nalang, mommy. Yung mga ganyang situation kasi kahit sabihin na hindi life or death basta health yung pinaguusapan, for me urgent na yon. Sa tingin ko kaya siya pumunta talaga kasi baka kilala niya yung parents nya di kayang maghandle ng ganong situation at baka kung mapano pa di ba. Intindihin at unawain mo nalang si hubby mo kasi family mo na din namam yung family niya. Ikaw na din nagsabi na sinusupportahan kayo financially, naisip siguro nya na parang pagtanaw na din ng utang na loob yon. Wag mo na siyang awayin about don and sana di na maging big issue sainyo. Nakakatampo nga yon esp kakapanganak mo lang and raging pa hormones mo and in pain ang pagod ka pa but always remind yourself na pamilya na kayo. Extension na yon ng family mo. Di mo dapat kinocompare yung halaga niyo sa concern na binibigay nya sa parents and kapatid niya kasi magkakaiba talaga yon. Priority niya kayong magina but may responsibility pa din siya sa family niya esp if in need. Be the bigger person here. Ikaw na lang umumawa 😊 pray, mommy. Don't stress yourself too much and I'm praying na makarecover ka na agad ng strength and health mo 🙏

Đọc thêm

Siguro emotional ka lang kasi 6 weeks palang baby mo, pero pamilya niya pa rin yun and mukhang okey naman kayo ng baby mo. Feeling ko kaya ka ganyan kasi ayaw mo sa pamilyang bf mo dahil sabi mo nga tinapaktapakan ka noon. Pamilya mo na din sila sis. Parang ako di ako close sa biyenan ko to the point na nakaaway ko pa for dahil sinabihan ako na super below the belt pero pav kailangan nila si hubby, pinapauwi ko pa din to kahit inis na inis nako at nakakapagsalita pa ko kay hubby dahil alam nya na inis ako sa nanay nya. Kaya yung nararamdaman natin minsan problema na natin yun hindi ni hubby. Di naman pwede talikuran ni hubby pamilya dahil lang nakaalitan natin sila.

Đọc thêm

Ang babait ng mga nagcocomment. Pero ako didiretchu-hin kita. Nag aalala siya sa kapatid niya. Mga parents niya nagpapanic. Marahil hindi siya life and death situation pero kailangan ang boyfriend mo doon. Siguro hindi naman siya mawawala ng matagal at gugustuhin niya lang na makita ano kalagayan at makatulong in any way possible sa family niya. Gets ko na emotional ka due to raging hormones, but try to be on your boyfriend's shoes. Try to be more understanding. Mukha namang okay si boyfriend mo since good provider siya and all, talagang need lang siya ng family niya. Sayo pa din naman yan uuwi. Just be more understanding. :)

Đọc thêm

Tingin ko emotional ka lang. Minsan kala natin hindi life and death ung situation. Panu kung eto na pala ung last time na makikita nia ung kapatid nia na buhay.. edi nakonsensya ka pa kasi di mo sia pinayagan. Di ka naman nia iiwan sa bahay kung alam nia di kayo safe. Tsaka tingin mo ba kung nag stay sia sa bahay nio mapapakali sia.. di rin diba.. maswerte ka pa din kasi maayos kalagayan at buhay nio. Onting time lang hinihingi nia para sa pamilya nia. Pagbigyan mo na..

Đọc thêm
Thành viên VIP

🙏🏻🙏🏻🙏🏻