Frustrated
malapit na due date ko. Oct 2nd week. Pero wala pa kong nabili na newborn clothes. Im so stressed. Wala pang pera. Sino dito tulad ko na malapit na due pero wala pa gamit si baby?
Sis ako nga baru baruan ni baby bigay lang ng kapatid ko.. inunti unti lang tlg namin ung iba para di mabigat sa bulsa baka meron ka mahingian ng mga luma nila baru baruan kahit 3pairs each
Sa akin po puro bigay lalo na mga damit. Di naman need na bago lahat kasi kakalakihan niya din agad. Wala din po akong pera kaya plan kong mamili after ko na lang makuha yung SSS MatBen ko.
Me too first week nang oct due date , kaunti palang gamit ni baby ko , swerte lang kasi may nagbbigay yun nga lang pambabae e yung baby ko is baby boy hehe pero ok lang pasalamat parin 😊
kung wala ka talaga pambili pwede ka naman humiram sa mga kamag anak mo na pinaglumaan saglit lang naman lumaki ang baby kaya saglit lang magagamit.wag pilitin kung wala talaga pambili
try nyo po hiram ng gamit momshie sa kakilala. ako man po ay hiniram ko lahat sa aking hipag. relax lang po and pray para di maapektuhan si baby. God is good. He will provide 🙏
Sa mga palangke po mamshie mura lg dun. Kahit yun nlg po muna ang bilhin nyo, mga ilang piraso. Di naman po kailangang maramihan agad. Kailangan po ay utay utay lg😊 God bless po
Taga saan kba kng malapit ka lng sakin bigay q sau mga pinaglumaan ng mga pamangkin q na baru baruan ih sa dec pa kc due q pero still bumili aq mga bago for my baby
Ask ka sa mga kakilala mo sis. Ako inofferan din ng preloved ng friend ko. Tinanggap ko kahit pang boy at girl si baby ko. Sa bahay lang naman halos during the first month.
Same here 32weeks na si baby wala pang gamit 😭 hirap pag gipit pero si hubby na bahala don ayaw nya daw ako iistress eh edi sya yung maistress hahahaha 🎃😂
momsh anu gender ni baby??at taga san ka?im willing to donate clothes😊