Kulay ng dumi ni baby

☑️ Malagkit, maitim o matingkad na pagkaberde: Normal ito sa mga bagong silang na sanggol. ✅ Maligasgas, maberde na may halong dilaw o kayumanggi: Kadalasang makikita sa mga sanggol na 3 o 4 na araw pa lamang naipanganganak. 💛 Mamuo-muo, malapot, malagkit na mapusyaw na dilaw o berdeng kulay: Ito ay normal sa mga pinasususong sanggol. 🥔 Malambot at kulay kayumanggi, matingkad na dilaw at maberde: Normal ito sa mga sanggol na formula-fed. 🤢Kadalasang matubig at maberde: Maaaring si baby ay may diarrhea. Magpatingin sa doktor. ☑️ Matigas na buo-buo: Maaaring ang inyong sanggol ay constipated o hirap dumumi. Magpatingin sa doktor. 🌹 May guhit ng dugo sa dumi: Ang sanggol ay maaaring may allergy sa gatas o may sugat sa puwit. Magpatingin sa doktor Masipon na maberde o mapusyaw na dilaw: Ang inyong sanggol ay maaaring may virus katulad ng sipon, lagnat, o kaya naman sakit sa tyan. Magpatingin sa doktor.

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời