Even the little things...
...can make us cry. 😂😂😂 Share your senti moments with us. Promise, hindi kami tatawa. Lahat tayo may moments na ganyan.


nung lasing si hubby tapos andami nyang nirarant at complain. kesyo sya na daw lahat gumagawa ng gawaing bahay. kahit na nung nagbubuntis pa lang ako sya na maysabi na sya bahala sa gawain sa bahay tapos ang focus ko lang alagaan si baby. tapos ngayon nagrereklamo sya na wala daw akong kwenta hindi ko daw kaya maging isang housewife mukhang pera daw ako. nagkasagutan na kami kasi di ko na kaya yung mga salita nya sakin umiiyak ako habang hinehele si baby. parang gusto ko na lang mamatay para wala kong marinig sa knya. napakadami ko sinakripisyo napilitan ako magresign kahit na mas malaki sweldo ko sa hubby ko. kasi nga sensitive pagbubuntis ko ayoko lumala bleeding ko. kaya nagresign ako para maging maayos pagbubuntis ko. nayayabangan sakin si hubby kasi sabi ko kelangan ko makarecover kagad para makawork ulet ako. kasi nga mag aaral na din panganay namin. tapos eto pa nanganak sa 2nd baby. iniisip ni hubby na mayabang ako kasi malaki sweldo ko kesa sa knya which is totoo naman pero ang intention ko kaya gusto makawork ulet ay dahil hindi nga kakayanin ng sweldo nya ang budget sa bills. gusto ko tulungan sya dahil hirap syang pagkasyahin lahat. kung makakawork ako maluwag luwag sana at di magigipit. lalo na pandemic ngayon. eh sinabihan pa ko mukhang pera daw ako. tas walang kwentang housewife. sobrang iyak na iyak ako habang karga si baby at hinehele. di ako naimik kay hubby. ayoko na makipag usap nakakawalang gana. grabe hirap ko magbuntis at manganak tas ganun pa sasabihin sakin.
Đọc thêm
mother of tres marias