..
Maglalabas lang ng sama ng loob. Di po kase ako makatulog eh. Ayoko umiyak talaga kase inaalala ko si baby? pero naiiyak ako ngayon feeling na walang pakelam mga tao sa paligid mo? yung kahit hirap na hirap na ko wala lang. Ayoko naman mag salita kase baka kung ano pa marinig ko? yung papa naman ni baby wala din dito. Mas inuna yung laro siya tong panay sabi na na wag ako magpuyat pero ayun siya naglaro pa? di nya man lang inisip kung anong oras na. Mag aantay pa ako sa kanya. Kaya di ko na pinapunta pa dito kase dito daw siya matutulog (di pa po kame nagsasama) nakakasama lang ng loob na dapat siya yung tumutulong tapos siya pa yung wala. Alam nya naman na ang mga tao dito sa bahay na kung di pa ko siguro nakikitang mamatay na sa hirap at pagod di la tutulong. Lagi nalang ako naiiyak. Stress na ko sa lahat. Iniiwasan ko pero sakin pa din papunta. Panay advice ako sa mga mommy na nandito pero sarili ko di ko alam gagawin?