Palabas ng sama ng loob.

Maglalabas lang ako ng stress ko mga mi. Kapag kasi pumupunta dito Ate ng asawa ko, palagi nyang tinitignan baby ko. Tapos kung ano ano sasabihin. Kesyo "BAKIT ANG ITIM", "BAKIT PANGO", BAKIT WALANG KAMUKHA", "HINDI BA NAIPAGPALIT SA HOSPITAL", "DI NAKUHA MUKHA NG PANGANAY KO", tapos kanina diretsyo nya na talaga sinabi na "KASURA NEH" tumatawa tawa pa 😭 Matatangos kasi ilong ng side ng asawa ko, sa side din naman namin hindi rin naman pango. Kahit yung panganay ko matangos ilong. Naaawa lang talaga ako sa baby ko kasi 3 weeks old pa lang sya pero nakakatanggap na sya ng ganung mga salita. 😔 Bilang nanay syempre masakit sakin yun. 💔 Kaya sobrang naiistress ako 😔

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hahaha kaloka naman yan hipag mo mas kasura siya kamo!😝 saan siya nakakita ng bonggang may nose bridge na ang newborn?😆 wag ka mag alala mommy mag iiba pa ang itsura ni baby habang tumatagal.. mag Glow up yan tingnan mo lang mi..😊 kwento ko lang po baby ko hindi kaputian nung inuwi ko sa bahay.. maputi kasi kami mag asawa . pero wala naman ganyan namimintas sa anak ko (pwera gaba naman dyan sa hipag mo)🥹 yun pala paninilaw lang ng balat ni baby ko yung kulay niya. pag nililiguan ko parang see thru yung singit sa kaputian😅 habang lumalaki baby ko mas maputi na sa akin at yung ilong parang may dimple sa dulo parang nose ni Loisa Andalio yung dulo pero baby boy ang bunso ko tapos may nose bridge na din😄 kaya wag ka malungkot mii.. kasura talaga ganyan ugali sa hipag mo..kahit naman anu itsura ng anak natin mga Anghel yan bakit kelangan pintasan? feeling perfect e

Đọc thêm

Kausapin mo si mister mi, at sabihin mo sa knya ang mga saloobin mo, after doing that dapat kausapin ni mister mo ang ate nya about don siguro nmn ay may mga anak din sya at alam din nya dapat ang feelings ng isang mom kpag nkakadinig ng gnon mga negativities comment lalo na at u’re still in recovery stage postpartum.

Đọc thêm