8months pregnant

Magkano po kaya magagastos sa hospital pag manganganak wala po sss wala po philhealth

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ang SSS hindi naman sa hospital binabawas yan. Cash benefit yan na makukuha kung nagbabayad ka ng contributions. As suggested, asikasuhin nyo po ang Philhealth nyk. Pwede naman magpa member as indigent. Pag indigent at dun kayo sa No balance billing hospital, mainly public, wala na kayong babayaran. Ang private hospitals ngayon aabutin na ng 80k pataas ang NSD at 120k pataas naman ang CS. Kung wala pong budget, asikasuhin nyo na po ang Philhealth nyo magpa member as indigent member at sa public hospital po kayo dapat nagpapa consult at manganak.

Đọc thêm

I suggest maginquire napo kayo dun sa mga hospital/ lying in na pwede ninyo po maging option. Atleast doon, mabibigyan kayo ng mas close estimate ng pwede ninyong magastos sa panganganak. Kasi iba iba naman po ang rates ng mga yan. Depende nadin po sa lugar at sa case ninyo (kung complicated/ uncomplicated pregnancy)

Đọc thêm

Dipende sa kung saan ka magpapaanak at kung NSVD ka or CS. Pag public, mga around 10k to 15k yata pag CS eh, tapos 5k pag NSVD. Pero pag private, dipende sa package nila, pag CS ka naman, around 75 to 80k.

Dito sa Antipolo private hospital 25k normal delivery. if public baka wala ka bayaran. pero syempre iba naman kasi ang service sa private at public.

Pwede mo naman ihabol philhealth mo 😊 punta ka sa philhealth ask mo how much need mo bayaran para sa panganganak mo iaask nila when due mo

Influencer của TAP

Depende kung public or private mi. Maghanda ka na siguro ng around 20 to 30k plus kung public and mas mahal kung private

3y trước

Seek advice po sa Philhealth personnel, baka pwede ka kumuha at maglumpsum payment prior to your pregnancy. Malaking tulong po ang philhealth kung mag private hospital ka. Dalawa kayo ni baby na macover. 40k-50k po kapag private normal delivery, pwede pa po yan madagdagan if may additional treatment na gagawin sa baby.

Mamshie, sa public po.. Kuha po kayo ng indigent sa brgy. halos wala po kayo bbyaran sa hospital 🤗

3y trước

True 'to. Ate ko nga madaya, may work and all pero kumuha indigency para di magbayad, lol. Ayun, libre lahat.

Better inquire na mommy kasi depende din po sa hospital or lying in.

Pede ka mag apply philhealth mi, di ka pa naman nanganganak☺️

35k to 50k Meron nman public na libre at wlang bayad .