Katanungan sa pag bubuntis

magandang tanghali po Gusto ko lang po mag tanong lalo sa mga katulad kong buntis nakakaranas po ba kayo sa gabi ng pang aaswang o tiktik kung tawagin may naniniwala po ba sa ganun karanasan any tips po nag saboy napo ako ng asin na may bawang may tingting din sa may bintana #advicepls #pleasehelp #pregnancy

Katanungan sa pag bubuntisGIF
15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Taga Mnl ako so I don’t believe in such things kaso nabuntis ako nung college ako then tinago ko sa amin wala akong pinagsabihan kasi natakot ako sa sasabihin ng family ko pero one time kinausap ako ng tita ko na katabi lang ng bahay namin na meron daw palaging uwak na nagbabantay sa poste tapat ng bahay namin sino daw kayang buntis? Sana daw yung mother ko kasi only child ako di na nasundan hirap na makabuo mom ko at step dad ko… Yung tita ko kasi na nakapansin sa uwak naniniwala siya sa aswang dahil nung buntis siya sa bunso niya parating may kumakaluskos sa bintana nila pag gabi (sa 2nd floor kwarto nila) tapos may parang malaking tunog ng pakpak na lilipad kaya sa baba na siya lagi natutulog sa salas nila sila mag asawa… Kaya magmula non naniwala ako sa aswang never ako nagbukas ng bintana kahit malamig nag aaircon talaga ako… BTW 8 months na tyan ko nung nalaman sa bahay at ng buong family ko hehehe

Đọc thêm

Nakaranas rin ako ng ganyan ang malala hindi kame sa probinsya nakatira kundi sa pasig. Buntis ako sa panganay ko non tapos isang beses bandang madaling araw may naririnig kameng parang malaking ibon na lumilipad pati kasabay kong buntis naririnig rin nya, nung sumunod na madaling araw hindi na ata nakatiis yung aswang samin pinilit nya buksan yung pinto ng bahay namin kulang nalang masira yung doorknob buti may lock sa loob namin edi nagising ako tapos ginising ko rin mister ko kumuha agad sya kutsilyo pagbukas nya ng pinto nakita nya may pusang kumakaluskos sa pinto tapos wala tao kaya nagtaka kame sino yung pumipihit ng doorknob.

Đọc thêm

dito po samin marami aswang, probinsya po kc, yung ate ko inaaswang po, minsan may lumalakad na parang tao sa bubong namin, minsan bigla nalang may malakas na babagsak sa bubong namin then yupi ang yero. may time naman po na nahuning tiktik. naglagay nalang bayaw at kapatid ko ng aroma sa bubong, yung mga tinik po. meron din kami langis na nakulo kapag may malapit na aswang

Đọc thêm

Sa province meron daw ganyan...Mahirap paliwanag sa tagalog eh,hahaha...Buntot ng "Pagi" ung malapad na uri ng isda ba yan...Tapos "bagakay" kung sa bisaya or bamboo stick or any plants na may tinik like Lime or lemon

bawang oh kaya suha biakin mo yong mangangamoy talaga cya saka matulog po kau na nakatagilid at lagi itim damit pra di nila makita baka po nakatihaya kau kitang kita po nila yong baby mgdamit ng itim pra di po nila makita...

Thành viên VIP

ako sis hindi tlga ako mapaniwala sa ganyan pero nung preggy ako malimit ako makarinig at makakita ng kung anu ano kaya d ko hinahayaan na mag isa lang ako non sa kwarto namin, pray lang po and dapat lagi ka may kasama

Nung nalaman ko po na buntit ako yung asawa ko nakakarinig / kaluskos ng something hahaha mind you, condo po kami nakatira at wala sa probinsya. Haha naglagay pa din sya ng asin sa bintana. Hahahaha

ako po natutulog ako mag isa 5months pregnant n po ako. dog lang po ang kasama ko sa 3rd floor tapos nakaopen pa ung door dahil sa terrace po ako. wag nyo lng po isipin. pray lang po. 🙏🏻

Lagay ka ng bawang at asin sa bintana o di kaya sa tabi mo momsh samahan mo na rin gabi-gabi ng panalangin bago ka matulog. Wag ka papa stress kasi hindi healthy yan sa inyo ni baby.

same po tayo. Ako din nakakaranas nyan. hindi nalang ako nagpapatay Ng ilaw sa Gabi pagwalang kasama