Confused
Magandang Hapon. Nacoconfuse lang ako sa nangyayari sa akin and nagaalala na din. Masama pakiramdam ko. Yung tipong napapanic ka dahil sa nangyayari ngayon. May ubo po kasi ako but mild lang and makati lalamunan ko, masakit katawan ko tapos para akong hirap huminga. Kagabi di ako nakatulog ng maayos dahil hirap ako huminga. Parang barado ung ilong ko tapos kanina pinagpapawisan naman ako pero bigla akong nilalamig. Nappraning na ako kakaisip kung usual ba sa isang buntis ang ganito. Naiiyak na lang ako. I am 7weeks pregnant pala. Diko alam gagawin ko.