Tiwala.

Mag lilimang taon na kami ng kalive-in ko,4yrs.na mag jowa at 1yr. na nagsasama kasi nagkababy na kami. Sa 4yrs. naming naging mag bf/gf ilang beses ko syang nahuling nagloloko.Sa ilang beses na yun tumatak na saakin na pwd nya ulit gawin yun anytime kasi diba nagawa na nya so pwdng pwd nya ulit magawa. Ngayon nasa trabaho sya every weekend lang kung umuwi,sa twing uuwi sya palagi ko syang tinatanong kung may babae sya,kung sino nakasama nung ganitong araw, na baka may iba syang pinupuntahan sa madaling salita napaparanoid ako. Minsan nga na nanaginip pa ako ng mga ganong pangyayari at ang ending pagkagising ko tinatanong ko na naman sya nakukulitan na nga sya minsan. Sinasabi naman nya sakin na wala daw kesyo hindi na daw nya gagawin yun kasi may anak na kami at nagbago na sya. Pero hindi ko pa rin maalis eh sobrang nakakaparanoid?. Minsan feeling ko sobrang toxic ko na kasi napag aawayan na namin minsan pag hindi ko nagustuhan yung sagot nya. Sobrang hirap pag nasira talaga ang tiwala.

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ganito rin problema ko ngayon. Hindi naman nagloloko ung partner ko, may anak kasi sya sa ex nya so tendency mag-uusap sila regarding sa bata. Kaso there were times na nagdelete sya ng conversations nila, na kesyo kasi hindi nya raw matake ung mga pinagsasasabi ng ex nya about me. Na oo nga alam ko namang matalas ang dila nung babae but still bakit ako maaapektuhan e wala naman akong kasalanan kung bakit sila naghiwalay? Naghiwalay sila dahil sa kalandian nyang impakta sya. Tapos ilang beses nagcha-chat na pala sila hindi pa nya sinasabi sakin. Ang akin naman gusto ko lang malaman pag magkausap sila for my peace of mind hindi ko naman pinipigilan na mag-usap sila kasi hello may anak nga sila di ba. Ang akin sana maging honest ka sakin un lang. Hindi naman siguro mahirap un e di ba. Ilang beses na kami muntikan maghiwalay dahil sa lagi ko syang inaaway dahil naghihinala ako na magkausap na naman sila without my knowledge

Đọc thêm
5y trước

tama ka .. dpt alam mo lahat sa asawa mo. dpt wala ng tnatago. ikw na pnili nya tpos pgtataguan kpa nya.

Bgyan mo po sya ulit Ng 2nd Chance..mhirap pero subukan mo po na pagkatiwalaan sya..pag usapan nyo po at sabihin sakanya na mhihirapan ka n ibigay ulit twala mo..puro dpat subukan mo..nasa kanya n un Kung sa ibbgay mong pgkkataon ay mag babago sya o sasayangin nya lng... Lahat nman Ng Tao nag kakamali at dpat bgyan Ng pagkakataong mag bago..Kung sayangin man nya in at least dka mag sisi sa huli dhil bnigyan mo sya Ng pagkakataon..mhrap po kasi na lagi mo sya tanungin Kung may babae ba sya..kasi pinapamukha mo lang po skanya Ang pagkakamali nya at parang tinatanggalan mo sya na ipakita sau na Kya nya magbago..

Đọc thêm
Thành viên VIP

true .. pg nsira twala mhirp na bumlik sa dti. pero suggestion ko lng mamsh. kundi mo na kayang mgtiwala let go mo na ang tao. kc pra nlng rin kyo ngsasayang ng oras nyan .. nsabi mo cgurong napatawad mo na sya pero ang totoo d naman tlaga .. kc nggwa mo prin syang pg isipan. di naman maiaalis sayo yon pero anung silbi ng kayo prin pero ang toxic na ng relasyon. di na msaya. ikaw rin pnahihirapan mo lng sarili mo. iniistres mo sarili mo. gudluck sa inyo mamsh ..

Đọc thêm

Ako, since na nabuntis ako, naging selosa na ako.. lagi ko siya nilalambing at sinasabihan na wag siya makipagflirt sa iba o mkipagchat ng maligalig kahit kawork pa nya. Tinatakot ko siya na kahit isang beses Lang na mahuli ko siya, Wala ng 2nd Chance. Pero kapag sobrang paranoid na ako lalo na nasa bahay ako at siya ay nasa work, kung anu ano na naiisip ko.. pinakamagandang gawin talaga magpray,, iniiyak ko lahat lalo na kapag nasstress ako.. nakakatulong yun

Đọc thêm

Naranasan ko yang naranasan mo mas magnda kung mag uusap kayo ng maayos para mas maintindihan nya forgive pag kaya mo na ang paglimot may proseso un isipin mo lahat bakit ba nagbigay ka ng chance sa kanya anung dahilan bakit mo sya binigyan nun. Mahirap pag nasira ang tiwala pero pag nakalimutan mo at napatawad mo hindi kana magiging gnyan maalala mo man pag dating ng panahon wala nalang sayo.

Đọc thêm

aq..i never trust. i just need to understand na lalake xa....dats it. mahirap gawin ginagawa ko.pero advantage of it e di nya aq maxadong masasaktan. i care and i love him yes. but i dnt trust when it comes to gurls...hehehe.. nahuli ko n xa before...pinaalam ko lng n alam ko den dats it..shatap ako...mas natakot xa..kaya tinigilan nya.mahirap...pero pwedeng praktisin.

Đọc thêm
5y trước

Try ko yan sis hahaha pero feeling ko mahihirapan ako kasi mababaw emosyon ko e.

Same 😔 since magbuntis ako sa panganay ko may kalandian sya tapos nalaman ko hanggang sa nanganak ako tapos ngayon ngbuntis ako sa pangalawa ganun parin pero sabi nya hindi na nya uulitin kasi nangako nako skanya na kapag nahuli ko pa sya ulit ayaw ko na kahit masakit kakayanin ko ayaw ko lang na ginagawa ako tanga lalo na may anak na kami mahirap makipag siksikan 😭

Đọc thêm

Maybe you both can talk it out and try to find ways in which both of you can benefit. Siguro need nyo magcompromise and come up with a solution. Ikaw din sis, ievaluate mo din yung sarili mo. Kasi kakatanong sa kanila kung may babae sila or nagloloko, mas nattrigger silang gawin.

Thành viên VIP

Yes. Hirap tlg pag nasira tiwala. Ldr kmi dati ni hubby nung bf ko palang, tpos malaman ko na may kontak pa cla nung 7yrs nyang nka livein before, may times na nagkita pa. Buti nlang ma imbestiga aq. Sana lang wala na nga clang communication ng ex nya ngaung may baby na kmi.

Mahirap pag nagkalamat na replasyon at mahirap pag ang tiwala ay nasira.. peeo try mo pa rin sya bigyan ng chance na magbago sis pakiramdaman mo nlng para dn ndi ka nagkakaganyan sis pray kalang din na sana nga nagbago na sya at focus nlng sya sainyo ni baby mo