Naglalaway, iritable at low grade fever po ang mga normal symptoms ng teething. Yung sipon, ubo and/ or pagtatae ay HINDI po dahil sa pag-iipin dahil nakukuha po ang mga yun sa mga viruses, germs o bacteria.
Kapag nag-iipin po kasi si baby nangangati ang gums nya at may tendency na magsubo at ngatngat ng kanyang kamay o kung ano man ang madampot nya, at doon sya nakakakuha ng sakit. Make sure po lagi malinis kamay ni baby at mga toys nya, huwag hayaan magsubo ng kung anu-ano para maiwasan ang sakit.
Ipacheck-up na lng po at kung nagtatae, siguraduhing hindi madehydrate.
Anonymous