Masakit down there.
mag 28 weeks na. Normal lang ba tong pakiramdam parang ang bigat bigat ng pempem , na parang lalabas na masakit. wala pong discharge or something. ang hirap tuloy maglakad nagmumukha na kong penguin pag naglalakad. ? thanks po sa sasagot.
Lumalaki na kc baby mo momshie kaya napupush na ang uterus mo pababa, kahit pati organs mo napupush back to give way sa gaining weight nya. Mas bibigat pa yan pagdating ng 8-9 months, na parang every hakbang mo napupush ang pantog at naiihi ka. Pero normal lng daw un.
It can be normal or pwede din na natatagtag ka na pala. Nung ganyan ako pinagsusuot ako parati ng maternity belt ni OB and niresetahan niya ko duvadilan. Better ask your OB what to do.
Ganyan dati feeling ko hangang sa muntik na kong mag preterm labor nag spotting kasi ako..niresetahan ako ng gamot ni ob saka nag lalagay ako ng supporting sa tiyan ko.
same here. sobrang sakit talaga. nung nagAsk ako sa oB ko pinabili nya ko ng maternity belt. para hindi ganun kasakit pag naglalakd ako
UPDATE mga mamsh. nagpreterm labor ako st exact 35 weeks, na ecs, nagstay ang baby ko sa nicu for 7 days. 15 days na po baby ko ngayon,
Sakin naman momsh ung sikmura ko pataas ang masakit. Parang sinisiksik lahat pataas ung mga organs ko 😂
Normal po yan mamsh :)
Thanks for the update
Same here po.