10 Months Old

Mag 10 months na po si baby sa 9, and pure breastfeeding kami. Concern ko is medyo mahina yung tuhod nya nakakagabay na sya pero natutumba padin, nakakainis lang kasi kino compare sya sa ibang baby na ka edad nya na lumalakad na. At isa pa wala pa po syang teeth. Lagi nilang sinasabe na baka kulang yung gatas ko ng calcium, possible po ba yun mga mamsh?

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hayaan mo nalang po mommy. Iba iba naman po ang bata. Meron po talagang maaga yung development but it doesn’t mean na pabaya ka or mahina si baby. Okay lang po yan, wag niyo pong madadaliin si baby. Gagawin niya naman yan pagkaya niya na at ready na siya.

kamusta po ilang months bago nakalakad baby nyo?