Feeling ng buntis
Madali ba magbuntis? Anung feeling s physical body nyo habang lumalaki tyan? Aq, Mabilis aq mainis ngyon dhil di aq komportable sa katawan laging masakit likod at balakang ko konting bagay naiinis aq agad sbi nman ni hub gngwa q lng daw dahilan yung pag bubuntis q, di nya maintindhan sitwashon q going 5 mons n tummy q. 1st tri always bleeding and bed rest pero now ok na#advicepls #pleasehelp #pregnancy
hindi po madali 😂 firstime ko po ma preggy..12 weeks palang ako now pero don sa dme ng iniinom na gamot/vitamins nahihirapan ako sa presyo 😂 at lunukin kase ang lalaki 😂 pero para kay baby need kayanin. Mahirap din ung madame kang nararamdamang sakit sakit o kirot kirot sa katawan na hindi mo maexplain kung normal ba o hindi since iba iba ang katawan ng tao, possible normal sa knila pero sa akin masama pala. Yung acid sobrang hirap, kagabi kinabag ako 4 hours akong di mapakali kakaikot, naiiyak ako na nasusuka na hindi makahinga na hindi makadighal na hindi makautot sobrang sakit 😭Pero 4 years ko tong inantay kaya titiisin ko para kay baby kahit sobrang high risk ako sa pregnancy ko at isa pa anjan naman ang husband/family to support you 🙂 wish ko lang sa ating lahat na maging safe si baby at healthy at sana tayo ding mga preggy ♥️ Ang husband ko ang nagwowork/at nagawa ng gawaing bahay, night shift pa sya.. minsan feeling ko din pagod na sya plus ubos na pera kse naka leave ako sa work wala na talgang snsweldo grabe wala ako kahit pambili ng panty sa shoppee 😂 i guess naninibago din husband mo kase sympre di sya sanay na ganyan ka...understanding nalang siguro sa side mo at side nya ang needed. para less stress para sa inyong dalawa.
Đọc thêmThere's no exact words to describe how tough and painful the whole pregnancy is. Kasama na dyan ang panganganak, pag-aalaga, pagod, pagpupuyat at post partum. Kahit ilan pa maging anak mo, yun at yun pa rin ang pagdadaanan mo. Iba iba man sa bawat pagbubuntis at panganganak, lahat mahirap. May 4 kids ako, 19, 15, 7 at 11 months ang ages nila. Panganay at bunso parehong lalaki at masasabi kong silang dalawa ang pinakamahirap. Yung dalawa sa gitna parehong babae, mahirap din medyo less nga lang compared to my boys. Sobrang blessed mo kung ang asawa/partner mo is supportive sayo at ginagawa lahat na makakapagpagaan ng pakiramdam mo. Try mo na lang kausapin si hubby mo para maintindihan niya. Pwede rin mii na kapag checkup mo kasama siya habang kinakusap nio yung ob para mas maliwanagan siya.
Đọc thêmAng totoo Hindi talaga madaling mag buntis. Morning sickness pa Lang hirap na. lalo na habang lumalaki si baby. Hindi makatulog ng maayos , laging nakatagilid matulog , mainit katawan konting galaw pawis, ang sakit ng puson minsan likod balakang, Hindi nakaupo ng maayos ,hirap sa paghinga, Di mo maabot ung mga bagay lalo na nahulog sa sahig 😂 Pag tatayo galing higaan. mananaba magbabago katawan .ung iba nangingitim kilikili ,batok at singit. nagkakapimples ,lumalaki ilong .tapos Pag sobra ung pagod magkakaspotting pa... hirap maging isang ina .Pero Kaya basta nakaalalay ang asawa natin.. hindi Pag iinarte un... ang masakit po dun after manganak may iba nag kaka depression at anxiety. Sana naintindihan Ka ng hubby mo. para kahit papaano gumaan pakiramdam mo...
Đọc thêmHindi madali magbuntis mi lalo na ang daming changes na nangyayari sa katawan mo and you need adjustments. Physically, it's tiring. Mentally, rewarding. Siguro take it easy mi. Try to search on how to safely relieve yung pain mo during pregnancy. Kasi although di nafifeel ni hubby ang nafifeel mo dahil ikaw yung pregnant, maybe he can help you relieve your pains at least physically and emotionally.
Đọc thêmsobrang hirap ng adjustment at first mi. ako dati lagi sumasakit likod ko to the point na lagi akong late sa work .minsan iniiyakan ko na kasi bawal mag take ng med. pero habang lumalaki at sumisipa si baby sobrang saya.
hindi madali magbuntis 😊 dami kong nararamdaman minsan di ko na alam ng gagawin buti nalng super supportive ng husband ko at iniintindi ko kahit minsan nasisigawan ko sya.
Sa una po hindi madali. Pero etong pangalawang pagbubuntis ko easy nalang. Hehehe
Hindi madali magbuntis kung ako, ayaw ko na umulit haha