Hi Momsh, what smell did you HATE when you were pregnant?
Me: Lutong kanin, any cooked pork and pabango ni hubby ??
Garlic😑🤮tsaka yung pinagprituhan ng kahit ano😆grabe as in ad ko lang pala any cologne ayoko kahit alcohol. Hanggang ngayon ganun parin ako kahit mag7months na tummy ko😆
ako yata lahat, halos mag kulong nalang ako sa room namin, dahil kahit saan ako mag punta sobra yung pang amoy ko, ang ending suka ko ng suka. 14weeks na ko today, pero grabe parin ang pag kaselan ko.😔
Kanin din. Ni ayaw ko maamoy kaya sobrang nangayayat ako. Tapos kahit anong luto ng chicken ayaw ko. Pabango ng anak ko nakakasuka sa amoy. 🤮 sa panganay ko naman ginisang bawang at sibuyas. 🤢
french fries. naglalkad ako sa mall then suddenly napadaan ako sa stall ng MCdo sabi ko bakit amoy tae.. although favorite ko ung fries nung di pa ko buntis. Ska ung pinapahid ng mama ko sa face sbi ko amoy jebs din..heheh
lahat ng mabango pati amoy ng fast food nakakasuka tapos yung chicken noodles amoy utot 😂 yung pabango nakakahilo saka halos ayoko na mg shampoo nun kc lht ng shampoo mabango tinitiis ko nlng yung amoy
sabon na panglaba except champion kalamansi ska ayaw ko ng may bawang ang pagkain though type ko amoy ng bawang huwag lang mahaluan ang food up to now na nakapanganak na ako ayoko pa din may bawang ang pagkain 😊
Tae ng bata. Sukang-suka ako parang nanunuot sa lalamunan ko 😂 tsaka lahat ng mabaho pwera bagoong at tuyo 😬 at minsan asawa ko. Sukang-suka ako minsan 😂
Mga pabangong matatapang, ung amoy ng aircon sa sasakyan, amoy ng bawang at nagigisa... amoy ng pusit, kikiam, fishball, squidball, pritong mani, amoy ng sigarilyo, amoy ng pansit. 🤢🤮
kahit anong klaseng inihaw or ung mga marinated. i hate it when i smell hanggang 9mons un na ayaw ko nung amoy😂😂😂 pero ngayon na nanganak na ako bumalik na sa dati
2 months na pala akong preggy last August 2018 at nalaman ko dhil sa pang amoy ko na nagbago dti kse akong nagwowork sa 7eleven at lahat ng ready to eat dun lalo yung mga inooven, amoy panis saken. hahahah