My Labor and Delivery Story

Long post ahead! 😁 I delivered my healthy, so pogi and so tall baby boy, Dirk Francis Llaneta Bolano. EDD: October 17, 2021 (1st trimester UTS) EDD: October 3, 2021 (3rd trimester UTS) DOB: October 5, 2021 @ 1:48AM via Normal Delivery Weight: 3.6kg Height: 54cm He is our PCOS baby. God do really care and loves us. Sobrang daming miracles na nangyari and its so overwhelming. Sept. 17 last day ko sa work. Kasi estimated ko iyon based from my 1st UTS since according sa mga nbabasa kong articles 1st trimester UTS ang accurate date of delivery. Sept. 11 is my 3rd trimester UTS wc ang EDD ko ay Oct. 3. Medyo naalarma ako kasi napaaga. Malaki na kasi si baby. 3.2kg na siya sa loob wc is estimated plng iyon. Di rn ako pwede mag leave ng mas maaga sa Sept. 17 kasi ako ang incharge sa billing ng students (school work related ako) Ginawa ko for the rest of my work days, laylow lng ako kasi baka manganak ako sa school office😂 at unti unti ko na nararamdaman na malapit na. On the week of my leave, 37 weeks na ako. Nagstart na ako ng mga orasyon pra sa panganganak😂 walking, exercise, pagkain ng tablea, pinya, buko. Sept. 25, nakapag attend pa kami ni hubby ng Marian Exhibit. Sept. 28, hindi nako makatulog ng maayos, sobrang init na init na ako. Di ako mapakali. Lagi akong puyat. Sabi ko kay hubby, pacheck up ako sa birthing home kung san ako manganganak wc is walking distance lng sa amin na medyo may distansya din. Oct. 1 ng umaga, nilakad lng namin ni lola, may work kasi si hubby kaya si lola kasama ko, and 1cm na dw ako. Gulat ako, kinakabahan na naeexcite na natutuwa. Pero nakapagluto pa ako. Wala akong nararamdaman na masakit, mabigat lng, kc mabigat si baby. Pinapakirmdaman ko lng. Oct. 3, wala pa rn ako nararamdamang masakit. Malikot parn si baby. Sabi kc nila pag daw nanigas nlng tyan ko tpos sobrang sakit dw, manganganak nako. E wala naman ganun na nangyari. 4pm nun nagpasama ako kay hubby, as usual, naglakad lng kami. Pagdating dun, IE agad, 3cm na dw. Tpos pinaprepare na kami ng gamit. Pag gabi pwede na dw ako iadmit. 8pm bumalik kami, 3cm palang. Uwi muna dw kami since malapit lng naman, pero iniwan na namin dun yung mga gamit. Alas dos ng umaga, Oct. 4 na yun, iba na narrmadaman ko, umihi ako at may lumabas na konting dugo. Sbi ko, punta na tayo. Pero wala parin ako maramdamang sakit. Pagdating dun, 4-5cm na. Naghntay hanggang lumiwanag na, tanghali, at hapon. Pa isa isang cm ang dagdag, pero wala naman ako nrrmdamang sakit. Nagtatawanan pa nga kami ni hubby. Nakakapag squat ako ng maayos. Naka ilang rosary na kami. Nung hapon na, biglang sabi sakin ni hubby na may naisip siyang bagong name, since Feast of St. Franciss of Assisi nung oct. 4, Dirk Francis, yung Dirk, name ng idol niyang basketball player😅 tuwang tuwang ako sa name and si baby, kasi prang bumababa na siya. Pinasukan ako ng primrose, 4pcs nung alas 7, nag 5-6cm. Alas 10 na wala parin, pinasukan ult ako ng 4pcs primrose. Nilagyan nrn ako swero at tinurukan ng pampahilab. Nung sabi ko tatayo ako saglit kc nakakangalay kaya humiga sa katre na walang kutson😅 sbi ko parang natatae ata ako, tpos ay si baby na pala yun. Bigla kong nasabi na parang may lalabas na. Pero wala prin ako maramdamang sakit, as in. Hahaha. Nahirapan lng ako umire kasi masakit sa balakang yung katre, jusko. Pero wala talagang sakit. Hanggang sa mailabas ko na si Yuki (palayaw namin sknya kahit nung nasa tummy ko pa siya) means happiness. Btw, diko nabanggit. Nasa delivery room dn pala si hubby, pinatawag ko sa midwife. Hahahha. Naiinis kasi ako sa asst. Labas pasok, iniiwan ako mag isa tpos ssbhn ire dw ako pero lalabas siya. Pano kung lumabas tpos wala akong kasama. So yung asawa ko, nakita niya lahat. 😂 Ang pangit dw ng itsura. Hahaha. Prang di na pipi. Lols. Pero amaze na amaze siya sakin. Tapang ko dw. Well, Thank you Lord talaga, super! Hanggang ngayon overwhelmed parin kami. To end this. Kunwari kong inaya si hubby magDo, kaso di pa dw siya ready makita yung ano ko😂😂😂 fresh pa dw kc sa utak niya yung itsura nung nanganak ako. Hahahahaha. Sorry naaa. #1stimemom #miraclebaby

My Labor and Delivery Story
15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

sanaol nalang po mamsh sa di masakit😊😅Sana ako Rin malapit narin ksi ko manganak at medyo natatakot na naeexcite na tlaga ko... btw congrats Po❤️

3y trước

Thank you po💕 if RC po kayo, isama niyo po lagi sa prayer intentions niyo during mass and rosary ang painless and safe delivery. sa tingin ko kc nakatulong un samin. 😊

Wow congrats po mommy! Sana kami din na manganganak palang. Lagi ko nga kinakausap si baby na wag ako pahirapan pag lalabas na sya hahah effective daw kasi yon.

3y trước

opo momsh. ganyan po ginagawa ko kahit nsa work ako. Kinakausap ko siya palagi.. tpos sinasabihan ko na lalabas siya kapag full term na. 😍 then prayers dn po..

Influencer của TAP

hehe relate momsh nanganak dn aku nung sept. andun dn si hubby ko sa delivery room at kita nia dn lahat😁congrats po sa inyu😊

3y trước

ai ou para alam dn nila kung panu manganak 😂😂😁

sana all 6cm na pero di masakit.. ako, susmiyo 3cm pa lang mamatay matay na ako sa sakit🤣 nanganak ako nov.10

3y trước

Kaya nga mamsh, medyo takot dn ako sa mga kwento nila noon😅 pinagdasal ko tlga na hndi masyadong msakit. effective naman. nasobrahan nga lng😂 kc antagal ng labor ko, e bawal magstay ng matagal sa birthing home e.

unang yakap is magical..saraaap sa feeling tanggal ang sakit ng tahi 🥰🥰🥰

3y trước

super mamsh💕 Yung yakap ko na yung answered prayer namin. Daig pa nanalo sa lotto.

congratulations momsh!🎉🎉😊 ilang weeks kana po nag deliver?

3y trước

Thank you momsh😊 38weeks po.

Influencer của TAP

Congrats po!!! Sana all hindi masyado nahirapan sa pag ire😁

3y trước

Salamat po😊 tinapangan ko lng mamsh😂 masakit sa balakang yung katre e. 😂

sana all momsh. ako kase wala picture eh 😓

3y trước

Galing nga ng asawa ko, naisipan niyang picturan kmi😅😊

Thành viên VIP

Congrats po to you

3y trước

Salamat po😊💕

congratulations po

3y trước

Salamat po💕😊