Mali ba ko?

Long post ahead.... It's happened last night... Nasa barko po si LIP ko at kinuwento ko sa kanya yung sinabi sakin ng panganay namin earlier that morning. What happened is, I was eating sa kusina while yung panganay (5 yrs old) at bunso (2 years old) ko naiwan sa kwarto nakahiga pa at nonood sa phone. Biglang umiyak yung panganay ko at yung iyak niya ay nasaktan. So syempre, nagmadali akong pumunta sa kanila. In my head, baka nag-kapikunan sila ni bunso. Pero nung papasok ako ng kwarto, sakto kakalabas lang ng bunsong kapatid ni LIP (12 years old). Sabi niya, tinignan lang niya kung ilang percent na phone na gamit ni panganay (which is phone ni MIL). Edi pag pasok ko sa kwarto, sabi bat ka umiiyak? tinignan lang naman kung ilan percent na battery di naman kukunin yung phone. Then he said, natamaan daw siya sa ilong nung phone. In my mind, nakipag agawan siguro si panganay ko dahil akala niya kukunin nga yung phone. I let it go since partly kasalanan din ni panganay at di naman sinadya nung kapatid ni LIP. And then before lunch aalis kami, I asked my panganay if masakit pa ilong niya. He said opo, binato kasi sakin ni *kapatid ni LIP* yung phone. Sa utak ko, nainis ako. Kilala ko kasi ugali ng kapatid ni LIP. I know he's capable na manakit lalo na pag naiinis. I'm just not sure if capable pati sa bata. Still deep down inside, it is what I fear the most. Hindi ko yun sinabi kala parents ni LIP. I keep it to myself and told my panganay wag gagayahin. I also believed in him dahil palagi kong sinabi sa kanya if someone hurt him, don't hesitate to tell me. I don't want to lie and keep it from me. Then nung nakausap kami ni LIP kinuwento ko lang naman. Hindi naman pagsusumbong yon kasi alam kong kilala rin niya kapatid niya. Pero ito na nga, pinagalitan niya kapatid niya at sinend pa yung kwento ko mismo sa gc ng family niya. Nagalit yung kapatid at nagsumbong kay MIL saying he didn't hurt si panganay. Na bakit niya gagawin yun. I have no idea na ginawa ni LIP 'to, kaya nagulat ako ng pumunta si MIL sa kwarto at tinanong directly si panganay kung ano ba talaga nangyari. Si panganay, sabi binato siya. Tinanong if hawak ba niya yung phone or hawak ni kapatid ni LIP. He said hawak niya then binato. Inulit ulit yun at same kwento. So from my understanding when I heard that, nung tinignan siguro ng kapatid ni lip kung ilang percent na cp habang hawak ni panganay, pagkabitaw nito sumapul sa ilong ni panganay. Medyo nasaktan ako how my MIL cornered my son like that. Tapos narinig pa ng anak ko na galit itong kapatid ni LIP because of him. Imagine what he feels... I can see yung anxiety ni lo sa kilos niya and how he couldn't pee bc nasa kusina (otw to bathroom) yung kapatid ni LIP. It hurts me knowing he feels that way. Mabait si MIL sakin, sa mga anak ko, sobrang maalaga. Pero sa sobrang bait at hindi matiis ang mga anak, na-tolerate yung hindi magandang behavior nilang magkakapatid lalo na yang bunso nila. When he was 9, he used to bully his cousin a lot, hurt him physically and always lie about it. Grabe rin pagsalitaan ang FIL ko. Minumura pa minsan. Ito yung nakatatak sa isip ko na ugali niya. Open kay LIP about it at aware din naman siya sa ugali ng kapatid niya e. Kaya nga sabi ko, ayoko na ulit magstay sa knila ng matagal dahil natatakot ako na makuha ng mga anak namin ugali nito. They tried to corrected it, may improvement naman pero di parin talaga nawawala pagmumura at pagsagot. I'm not wrong for believing in my child. Sure, sometimes he lies about small things which I always correct him. But I'm firm and clear ako sa kanya na if someone hurt him, don't ever hesitate na sabihin agad sakin. Pero mali ba ko na sinabi ko pa sa LIP at lumaki issue?#advice

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hindi ka mali, mare, you believed your child at that's the most important thing as a mother, lalo na pag consistent siya sa kwento niya. The thing is, hinayaan mo lang ni LIP ang family dynamics niya na maging problema ng pamilya mo, kaya tumaas yung tension instead of handling it between you two quietly muna. I get it though, normally you'd expect the parent to back you up, pero nakita mo na rin na complicated ang situation sa bahay nila, and honestly, that anxiety your son felt while waiting by the kitchen says enough about the environment there. Sa next time (hopefully walang next time), maybe keep it between you and LIP first, hash it out, tapos decide together kung paano i-address, pero your gut about limiting the stays is valid, especially if you're worried about your kids picking up behaviors you don't want. Trust yourself on this one, mommy.

Đọc thêm