Kapag EBM base sa pedia ng baby ko normal lang daw na hindi everyday mag poop.. 3 months na baby ko going 4, EBM din sya, since pumasok yung 3 months niya, hindi na sya everyday nag poop hindi naman sya constipated, twice a week lang sya nakakapag poop, hindi din sya fussy.. Ganun talaga daw kapag EBM sabi ni pedia. Hindi ako nagsupisitory kay baby kasi kusa talaga sya nagpo-poop mag isa, but kapag poop niya dami talaga lumalabas. Magwo-worry daw kapag nakapag formula tapos hindi araw2 nag poop.