Emergency CS

LMP: 02-26-19 EDD: Dec.03, 2019 Born: Nov.08, 2019 36 weeks and 3 days ko po sya naipanganak elevated na daw po ung umbilical cord nya kaya need na nya lumabas kasi may tendency makatae na sya loob ng tyan ko... sobrang sakit sa isang magulang na kagaya ko makita ang anak ko na nakaganyan ilang araw nako umiiyak kaiisip sakanya kahit binibisita ko sya sa NICU everyday hindi ko kayang makita ang anak ko na naka ganyan na parang nahihirapan siya ? please pray for my baby mga mommies for faster and better recovery ilang araw na po sya nasa NICU since nung naipanganak ko sya at nasa incubator na po sya ngaun at ginagawa ko best ko magpump ng breastmilk ko para sakanya para mafeed na sya.. any recommendations po para lumakas po yung breastmilk ko hirap din po ako magcollect ng breastmilk ? ngaun nakauwi na ako si baby nasa hospital pa ang hirap malayo sa anak ko gusto ko nasa tabi ko nalang sya palagi first baby ko sya

Emergency CS
236 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ate bili ka ng sea wed pang marami ng gatas nasa sm yun sa super market nasa korean products kasi ako ngayon 37 weeks na ako ang dami ng gatas lumalabas sakin. lagyan mo din ng kunting beef naka slice na maliliit.

praying for your baby . hope he she will be okay Imiss my son .. naipanganak kp siya 33 weeks sad to say he died huhu .naalala ko ruloy anak ko sana 3 momths na kmi now hope he / she will ne okay. Pray lng sis

Thành viên VIP

May awa ang panginoon sis.Magiging okey din si baby at makakalabas.Pray ka lang po at maniwala.Mag malunggay ka papagi momsh at palaging may sabaw kainin mo.Try mo din mag pahilot,baka sakaling lumakas gatas mo

I feel you po ganyan din ako sa first born ko ang hirap ng nasa Nicu ang anak wala ka magawa kundi ipag pray at antayin na maging ok na siya para makauwi na. Pakatatag po at pray lang magiging ok rin ang lhat.

get well soon baby. malonggay po.. tska sabaw sabaw po.. tas Alam ko mahirap sitwasyon mo ngayon.. magbawas ka din po ng stress.. isa rin po kasi sa reason ng hirap or mahina mag produce ng milk ang stress..

Thành viên VIP

Napakahirap nga niyang pinagdadaanan mo sis . Salute ako sayo na you're trying your best to breastfeed your baby . Pray lang I'll also include you and your baby in my prayers gagaling din siya pakatatag ka .

Thành viên VIP

na experience ko rin po yan, ftm here and na nicu rin si baby plus dumugo pa tahi ko. super hirap pero wag mawalan ng pagasa at talagang pray lang po. 🙏🏻 gagaling si baby in jesus name. 💖

Wag ka pastress mumsh mas lalo hihina yung gatas mo. kung malapit ka lang binigyan kita bf para kay baby. And pag dadalaw ka skin to skin kayo and kausapin mo sya. Keep on praying.🙏🏽

Thành viên VIP

Malunggay capsule (Natalac) once a day po advise ng OB ko, then drink more water and laging mag ulam ng gulay na may sabaw.. Effective po skin. Get well soon baby. 🙏

Pray lang sis.. ako nun pinainom ako gatas almost 3x a day ni hubby nung nasa ospital pa ko para magkagatas, breast pump, pagkain na masabaw tlg sis saka malunggay caps