Same mi. 1st baby namin, hindi man lang niya kami nakita, hindi ko man lang sya nakita, nahagkan, at nahalikan sa personal kasi baka mas tumaas ang bp ko at hindi ko kayanin (baka mawalan din ako kaya hindi na pinakita saakin si baby ko. Sobrang sakit. Un ang pinakaregret ko sa life. Hindi ko nmn ginusto magkapreeclampsia, nag leave ako sa work para maagapan. Pero wala, kinuha na talaga si baby ko. Hirap kasi during my pregnancy wala ang asawa ko, malakas ang katwan ko pero malungkot ako kasi siya lang ang bff ko. Na CS ako, kaya waiting for pa kami for another 1 or 2 yrs. To have our 2nd baby, sana makabuo at makalabas ng healthy ang soon to be baby namin para makaisa pa kami sa sisunod. 🙏🙏
Sabi kasi ng iba hanggang 3 lang ang pwedeng baby kapag CS.. Ayoko sana ma CS kaso kailangan para maisalba ang buhay ko.
Aalis na ulit asawa ko, wala n bff ko, malulungkot na namn ako.. 😢😢😭
"acceptance" talaga ang kailangan natin mi...
Kahit ako din ayoko na ikwento sa iba ang nangyari, dahil hnd nmn nila maiintindihan... Lalo na hnd nmn nila naranasan.
Kung maibabalik lang natin ang oras...
Pumikit ako, kasi baka panaginip lang ang lahat. Pero hindi....
Nasa urn na si baby nang makita ko, noong niyakap ko ung urn naiyak ako..
Camille Manalili