High Prolactin level and FBS. Paano nyo po napababa?
Last week of March, nagpalab ako and below are the results. - FBS > 107.8mg/dL - Prolactin > 25.9ng/mL As per my OB, ulitin ko daw after 2 weeks yung Prolactin ko and niresetahan niya ako ng Bromocriptine, which is kalahati ng tablet every day for 2 weeks. Kaso di ko agad inulit yung pagpapalab, nag-antay muna ako ng almost a month bago ko inulit. And kanina lang eh nakuha ko na yung results. - FBS > 106.3mg/dL - Prolactin > 31.6ng/mL Nalungkot ako bigla kasi, akala ko mag-ookay na yung FBS ko. Last April 9 lang kasi nagpatingin ako sa botika, yung ginamit nila is yung pangmonitor ng mga may diabetes. Ang result ng FBS ko nun eh 93mg/dL lang, so inisip ko na bumaba na talaga siya. Kaya di agad magsink in sakin kanina na sobrang konti lang ng ibinaba niya. Tapos yung prolactin ko, tumaas naman ng sobra, hindi ko alam kung bakit. Iyak ako ng iyak kanina sa mister ko kasi nagwoworry ako ng sobra. Gusto na naming magkababy pareho. 😭 Nanggaling din ako sa miscarriage last year kaya natatakot din talaga ako. 😢 Please help mga sis kung naexperience nyo na din ito or kung may idea kayo. Ano pong ginawa nyo or ininom nyo na gamot? #pleasehelp #advicepls #tryingtoconceive #highprolactin #highfbs Nagbuntis pa din po ba kayo?




Mother of one little cutie patootie.