Mga mommies, palabas lang po ng sama ng loob.

Last day po kasi, inopen ko FB ng asawa ko. Tinignan ko po yung activity log. Nakita ko po na madami syang babae na finollow. Magagandang babae at sexy lahat. Wala naman po ako nakita na kahit anong like, react or conversation. Pero sumama pa din po yung loob ko. Bilang bagong panganak po, sobrang nakaka down po yung nakita ko. Napaka panget na nga ng tingin ko sa sarili ko, mas lalo pa po bumaba tingin ko sa sarili ko nung makita ko sa FB ng asawa ko yun. Nakakawala po ng self esteem. Naiiyak na lang ako kasi pakiramdam ko hindi pa din ako sapat sa asawa ko. Pakiramdam ko ang panget panget ko kaya naghahanap pa sya ng iba. Hindi kasi ako maganda, hindi ako makinis, hindi din ako sexy. Nawala yung confidence ko, pati tiwala ko sa asawa ko nawala. Masyado lang po ba ako dramatic mga mommy or tama po yung nararamdaman ko? #pleasehelp #advicepls

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hindi ka dramatic, mama, totoo ang nararamdaman mo at valid talaga lalo na fresh pa lang ang postpartum phase mo, ang katawan mo ay dumaan na sa malaki at ang hormones ay everywhere pa, kaya naturally mas sensitive ka ngayon. But here's the thing: ang pag-follow lang sa social media doesn't necessarily mean something, and honestly the real issue here ay kailangan ninyong mag-usap ng malinaw with your husband about what you saw and more importantly, about how you're feeling about yourself at sa relationship nyo, baka kailangan din ng professional support para sa postpartum emotions mo kasi it's so much more than just the FB thing. Postpartum anxiety and depression ay totoo, at ang self-doubt na yan na biglang lumalaki could be a sign na kailangan mo ng tulong from a therapist or doctor, not just reassurance from online. You are enough, mama, pero you deserve to feel that way din with proper support.

Đọc thêm