40weeks 01day

Lampas na ako ng 1 day sa due date ko. Although may mga nababasa naman ako na until 42w pwede manganak. Pero, di ko pa din maiwasan mag alala. Okay naman si baby sa last ultrasound. 8/8 naman score nya sa BPS. Anyone po na nanganak ng lampas sa due date? may chance pa ba na mainormal ko si baby? Sa mga nababasa ko kasi, parang mas malaki yung chance na mag e-cs dahil minsan, nakakadumi na si baby sa loob. 😔 Hoping for safe delivery. 🙏🏼 #firstbaby #1stimemom #pregnancy #advicepls

5 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

EDD ko january 12 walang kahit anong signs of labor nanganak ako po ako january 15, january 14 check up lang talaga sana, tas sabi ng OB ko hindi pa ako pwede iadmit kasi 1CM palang daw ako, pero as lagpas nako sa duedate binigyan nya ako referal ng ultrasound and NST. After maipakita ko ang results sa ob ko in IE ulit ako, from 1CM naging 3CM in just 3hours wich is hindi pa nila ako i'admit. Pero Nung nabasa na ng OB ko yung ultrasound ko hindi na ako pinauwi kasi kulang na sa tubig si baby delikadi raw kasi baka malunod sya. January 14 @4PM na admit ako induced labor, akala ko mas mapapabilis yun pala mahirap din 5PM nag active labor ako, 12midnight 4CM palang ako. 3AM 5CM, 5AM onwards 6CM nalang ako, 12PM nag decide ako mag pa insert ng primrose oil 3PM inimsertan ako ng primrose oil, Sobrang nag mamakaawa nako na ICS na nila ako kasi hindi kona talaga kaya tas tumaas narin ang dugo ko, Thankfull ako kasi yung nag paanak sakin na DRA matyaga inanos nya akong i'IE para mabilis bumaba sa birthcanal ang baby ko. Pagod antok at sakit ng hilab na kalaban ko kaya need kona talaga ipush ng ipush, 5:40 pinasok nako sa delivery room dalawa at isang super duper bonggang ire nailabas ko ang baby ko @exactly 5:55 PM, Totoo yung sabi nilang pag pinatong na sayo yung baby mo magiging worth it lahat, lalo na kapag nailabas mo ng ligtas at malusog ang anak mo, sabayan lang ng dasal talaga. BTW kaya naubusan po ng tubig si baby is medyo malaki kasi sya ng pinanganak ko, 3.520grms Sana makaraos narin kayo mga momsh♥️

Đọc thêm

nanganak na ako mga mommies. sakto ng 41w. nagtry si OB na mag induce ng labor. kaso, hanggang 1cm lang talaga opening ng cervix. pumangit na din hb ni baby sa loob kaya nagdecide na si OB na mag-ECS. Buti na lang, sakto lang din timing kasi, right after maideliver si baby, saka sya dumumi. kaya super thank you lord. 🙏🏼

Đọc thêm
4y trước

wow congrats mommy 🙏

mag maganda kausapin muna sis ung ob mo. Anu mas magandang gawin god bless Sana maging ok kau ni baby at makaraos kana.

Same po tayo mommy , lampas nako sa due date hanggang ngayon mga false labor lang yung nararamdaman ko huhuhu

4y trước

hingi na po kayo advice sa OB kun anong pinakabest na gawin. baka kasi si baby naman yung malagay sa alanganin. mas mahirap yun. goodluck mommy. ☺️ Praying for your safe delivery.

nanganak na po ba kayo mommy? kumusta po?