Oo naman, pwede ka pa mag-checkup sa public hospital kahit 37 weeks ka na! Dala mo lang yung previous records mo from the lying-in para alam nila ang history mo, lalo na yung ultrasound at lab results mo, magpapabilis yan ng process at hindi ka na kailangang magparepeat ng tests kung wala nang kailangan. Pero honestly, mas maganda talaga kung consistent ka sa isang facility para sa monitoring mo towards delivery, kaya siguro check mo lang kung saan ka mas comfortable magpanganak at doon ka mag-focus ng checkups para hindi na magkakalito ang records. Good luck mama, malapit na!