Pamamanas po ba ito
Kung Oo ano po kaya pede kainin o Gawin po para mawala. Salamat po 27 weeks preggy #1stimemom
Ako po nagkaganyan pero nawala. Mas mataba pa po pero bumalik sa dati. Warm water lage po and lakad lakad umaga at hapon po tapos itaas ang paa kapag uupo. Ginawa ko din po yung paa ko sa ibabaw ng bote then pinagulong bote. Ngayon, normal na uli basta tuluy tuloy lang po. Iwas din sa maalat.😊
monggo po yun po lagi nyong kainin tapos lagi nyopo IPA massage sa hubby nyo bago kayo matulog then lakad lakad po para maexercise paa nyo pag uupo Naman po kayo kuha PO kayo ng patungan NG paa nyo hwag nyo po ilalaylay Yung paa nyo kailangan dapat may patungan.
Hi mommy. Aside form just elevating your legs you can try buying epsom salt (magnesium sulfate) lagay ka 2-3 tablespoon sa pail or bucket with warm water. Babad mo legs and paa mo for atleast 15-20 minutes then chaka ka magelevate ng legs mo. Do it twice daily.
more water and elevate lng ang legs mommy taz sa gabi ipatong mo din sa unan ung legs mo.never ever pong imassage ang legs gaya ng nabasa ko dto na pinagulungan ng bote xe bka mo madislodge ang vein mauwi pa sa deep vein thrombosis at delikado po un.
36-37 weeks na po ako never po ako nag manas dahil magaling po ako uminom ng tubig. Everyday po nauubos ko ung tumbler ko 1500ml, ung mga mahilig po na uminom ng tubig di po makakaranas ng pag mamanas. At maganda rin po un dahil iwas na rin po sa UTI.
normal lg naman po sa buntis ang magmanas as long as wala ka nmn nararamdaman kakaiba and normal naman lahat labs mo and bp. pero pag may kakaiba nraramdaman, inform mo na agad c ob mo. mawawala dn naman yan momsh
Huwag ka pong kumain nang monggo, talong, at manok, kasi yan po ang pinaka ka mabilis na lumaki ang beri-beri mo. tapos..pwd ka na naman mag lakad2x kahit paunti unti maam para mabawas2xwasan ang pag laki..
Tama po yang ginagawa niu na nakataas ung mga paa.. then Lakad Lakad po kayo,, wag po kayo masyado kumaen ng maalat na pagkain.. Tsaka Inum po kayo ng Maraming tubig..
ganyan ako ngayun sis.. 35weeks preggy.. mas mataba un kanan ko paa kesa sa kaliwa.. itinataas ko lng din ng ganyan para lumiit sia..🥰 normal lang nmn mamanas ang buntis...
sakin din sis ..mas mataba Yung kanan. minsan pati kamay ko nararamdaman ko mahirap itiklop .
yes po..inum ka ng tubig always momsh at e.elevate mo paa mo.. sa 1st pregnancy ako nakaranas nyas mas malala pah ngayon at my 28 weeks wala aqng manas..God bless momsh
mother of zacch chaeus❤